NPA NA NANGIKIL NG BIGAS, CASH NAPATAY

QUEZON – Napatay ang isang miyembro ng New People’s Army habang nagsasagawa ng extortion activities nang magresponde ang mga tauhan ng 2nd infantry Division, na pinamumunuan ni M/Gen. Arnulfo Marcelo Burgos, sa Brgy. Bungahan, bayan ng Gumaca sa lalawigang ito.

Ayon kay M/Gen. Burgos, nasa gitna ng krisis ang mamamayan dahil sa umiiral na Luzonwide community quarantine bunsod ng coronavirus disease ngunit walang awang inaagawan ng mga NPA ng kabuhayan ang mahihirap.

Nakuha ang isang granada at improvised explosive devised sa napaslang na rebelde nang makasagupan ng mga tauhan ni Lt. Col. Edward Canlas, commanding officer ng 59th Infantry Battalion, ang tinatayang 30 NPA sa Barangay Bungahan.

Ayon kay Col. Canlas, nagsumbong ang mga residente sa kanyang mga tauhan na nagkataong namimigay ng leaflets hinggil sa kung paano makaiwas sa COVID-19, hinggil sa presensiya ng armadong kalalakihan.

Sa report na isinumite ni Brig. Gen. Norwyn Romeo Tolentino, commander ng 201st Infantry Brigade, siyang may operational jurisdiction sa lalawigan ng Quezon, nabatid na humihingi umano ang mga rebelde ng bigas, pagkain at pera sa komunidad habang naghihirap ang mga tao dahil sa COVID-19 crisis. (JESSE KABEL)

244

Related posts

Leave a Comment