QUEZON – Boluntaryong sumuko ang isang construction worker na aktibong miyembro ng CPP-NPA, sa San Francisco Municipal Police Station sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.
Kinilala ang sumuko na si Gerald Amaro alyas Yari, 29, residente ng Brgy. Don Juan Vercelos, kabilang sa grupong Platoon Reymark ng SRMA 4-B.
Inilagay kustodiya ng 85th Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army si Amaro para sa isasagawang debriefing.
Ayon sa mga awtoridad, ang dating rebelde ay makatatanggap ng mga benepisyo mula sa pamahalaan katulad ng livelihood and healthcare assistance, libreng edukasyon para sa mga anak nito at tulong pinansyal. (CYRILL QUILO)
