NUEVA VIZCAYA GINGER CAPITAL NG PILIPINAS – DA

UPANG mas mapaunlad ang produkto ng luya, opisyal na idineklara ng Department of Agriculture (DA) ang Nueva Vizcaya bilang “Ginger Capital ng Pilipinas,” hudyat ng mas nakatutok na pagsisikap ng gobyerno na i-channel ang resources tungo sa pagpapalakas ng produksyon ng high-value crop na ito sa Cagayan Valley region.

Sinabi ng DA, paulit-ulit na binibigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pangangailangang itaas ang produktibidad sa agrikultura, lalo na para sa mga pampalasa tulad ng luya, bilang pundasyon ng layunin ng kanyang administrasyon na pasiglahin ang ekonomiya sa mga kanayunan na nakatuon sa mataas na halaga ng agrikultura.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., “Ang luya ay pinahahalagahan kapwa para sa paggamit nito sa culinary at medicinal, at sa wastong suporta mula sa DA, maaari itong makabuluhang mapabuti ang product value addition upang maiangat ang kita ng mga maliliit na magsasaka sa Nueva Vizcaya at sa buong Cagayan Valley.”

Nabatid mula sa Philippine Statistics Authority, pinangunahan ng Nueva Vizcaya ang produksyon ng luya noong 2024, na umani ng humigit-kumulang 7,140 metriko tonelada mula sa 933 ektarya ng lupa.

Sinabi pa sa ulat mula sa tahanan ng humigit-kumulang 5,010 na nagtatanim ng luya, ang lalawigan ay kilala sa pagiging bukas nito sa mga makabagong kasanayan sa pagsasaka at patuloy na pagsisikap na palakihin ang mga ani, na noong nakaraang taon ay may average na 7.4 metriko tonelada bawat ektarya.

Higit pa sa produksyon, nagsisilbi rin ang Nueva Vizcaya bilang pangunahing pinagmumulan ng luya para sa mga pangunahing sentro ng kalakalan sa Northern at Southern Luzon at Metro Manila, na nagpapadali sa paggalaw ng humigit-kumulang 14,753 metric tons noong 2024.

(PAOLO SANTOS)

43

Related posts

Leave a Comment