KINALAMPAG ng isang senador ang National Water Resources Board (NWRB) at ang Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) na tiyaking sapat ang supply ng tubig ng dalawang water concessionaires – Maynila at Manila Water sa mga kabahayan sa Metro Manila.
Iginiit ni Senador Risa Hontiveros, malaki ang ¬magiging obligasyon ng dalawang ahensya ng pamahalaan sa taumbayan lalo na at patuloy ang pagdami ng bilang ng mga naitatalang acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2) na umabot na sa 49 kaso.
“Magpadala na po kayo ng water trucks, para kumpleto ang tulog ng mga tao, imbes na pumipila o naghihintay ng tulo ng gripo sa hatinggabi o ¬madaling-araw. We should not allow poor public services to worsen the already terrible COVID-19 outbreak into a deadly health crisis,” pahayag ng mambabatas.
“Paano tayo maghuhugas ng kamay kung wala namang tubig?” tanong pa nito sa dalawang water concessionaires na Manila Water at Maynilad na nagsabing magpapatupad ang mga ito ng rotational water service interruptions ngayong buwan.
Sinasabi ni Hontiveros na malalagay sa alanganin ang buhay ng mga Filipino partikular ang mahihirap na pamilya sa outbreak ng coronavirus kapag patuloy ang nangyayaring water shortage sa Metro Manila.
“There is only one thing more important than face masks or alcohol in our fight to prevent the virus and that is running water. Proper ¬handwashing with soap and running water is the most effective way to kill viruses and avoid getting infected. Kapag mahina ang tulo ng tubig, hihina din ang laban natin sa COVID-19. Nilalagay natin sa peligro ang mismong buhay at kalusugan ng ating mga kababayan,” dagdag pa ni Hontiveros. (NOEL ABUEL)
205 