OFW HOSPITAL WARD HIRIT NG AKO-OFW KAY PBBM

HUMILING ang AKO-OFW Party-list kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa agarang pagpapatupad ng OFW Hospital ward sa lahat ng provincial o regional hospital.

Layon nito na matulungan ang mga overseas Filipino worker sa panahon ng kanilang pangangailangan at ng kanilang pamilya sa problema sa medikal.

Ayon kay 1st nominee at AKO-OFW Chairman Dr. Chie Umandap, nakikiusap siya kay Pangulong Marcos na habang wala pa ang AKO-OFW sa Kongreso ay mag-utos na ito sa Department of Health (DOH) na maglaan ng OFW hospital ward sa lahat ng government hospitals sa bansa.

Isa kasi sa pangunahing layunin ng AKO-OFW Party-list sa pag-upo sa Kongreso ang pag-akda ng batas na naglalaan ng OFW Hospital Ward para sa mga bagong bayani.

Matatandaang kabilang sa mga adbokasiya ng AKO-OFW Party-list ang pagkakaroon ng ‘OFW hospital ward’ simula pa noong 2016 na hanggang ngayon ay nais nilang maisakatuparan dahil na rin sa mahal na bayarin sa pagpapa-ospital.

23

Related posts

Leave a Comment