OFW NAKARANAS NG DEPRESSION SA PAGMAMALTRATO NG EMPLOYER, NAGPASAKLOLO

AKO OFW ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP

DUMULOG sa tanggapan ng AKO OFW sa SAKSI Ngayon, ang overseas Filipino worker na si Rona Cunanan Supan na nagtatrabaho bilang domestic helper sa Oman.

Ito’y dahil sa nararanasan niyang hindi maganda mula sa kanyang naging mga employer na nakakaapekto na sa kanyang mental health.

Ayon sa magulang ni Rona, naka-tatlong employer na ito sa Oman pero ibinabalik lamang siya sa kanyang agency sa hindi malamang dahilan.

Nakaranas umano ng pananakit si Rona sa una niyang amo at delay na pasahod, ganoon rin ang nangyari sa mga sumunod kung kaya tuluyan nang inatake ng anxiety at depression si Rona.

Kwento pa ni Nanay Rebecca, nababanggit na umano ni Rona ang kagustuhan nitong magpakamatay dahil sa kakaisip at mga nangyayari sa kanya.

Alam natin ang hirap, lungkot at sakripisyo ng mga OFW lalo na’t malayo sila sa pamilya.

Dahil dito, agad na tumugon ang AKO OFW sa SAKSI Ngayon, at agad itong ipinaalam kay Atty. She Alonzo ng OWWA, para sa agarang tulong.

**

Kung ikaw ay OFW o kapamilya ng OFW na nais magparating ng sumbong o paghingi ng tulong, huwag mag-atubili na lumiham sa amin at ipadala sa aming email address na: akoofwpartylist@yahoo.com o kaya sa saksi.ngayon@gmail.com.

2

Related posts

Leave a Comment