OFW NASA OSPITAL, HUMIHIYAW NG SAKLOLO

AKO OFW ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP

DUMULOG sa AKO OFW sa SAKSI Ngayon ang kapatid ng overseas Filipino worker na si Neneth Cunanan para sa kailangang tulong dahil sa kalagayan nito.

Ayon kay Irene Cunanan, kasalukuyan pang nasa Dubai, United Arab Emirates ang kanyang kapatid na si Neneth, isang OFW, at nagtatrabaho bilang housekeeper roon.

Hindi na raw niya maatim ang sitwasyon ng kanyang kapatid na kasalukuyang naka-confine sa ospital dahil sa sakit nito.

Mula Oktubre noong 2024, hindi na raw nakapagtrabaho si Neneth dahil sa iniinda nitong sakit na ovarian cancer at wala na raw silang update sa employer nito.

Lubos na ang pag-aalala niya, kaya naman agad siyang lumapit sa AKO-OFW Party-list para makasama na nila ang kanilang kapatid.

Ayon kay Irene, sampung taon nang OFW ang kapatid niyang si Neneth at gusto na lamang niya itong makauwi na sa Pilipinas, lalo pa’t may iniinda na itong malubha at hindi niya kayang tanging kaibigan lamang nito ang nagbabantay sa kanya sa ospital.

Hindi naman nagdalawang-isip ang AKO OFW at bukas palad na kinuhanan ng impormasyon at agad na ipinalam kay Atty. She Malonzo ng OWWA, ang kahilingan nito para sa agarang tulong at pagpapauwi kay Neneth.

Kung ikaw ay OFW o kapamilya ng OFW na nais magparating ng sumbong o paghingi ng tulong, huwag mag-atubili na lumiham sa amin at ipadala sa aming email address: akoofwpartylist@yahoo.com o kaya sa saksi.ngayon@gmail.com.

45

Related posts

Leave a Comment