OFWs SA UKRAINE, HONG KONG PINATUTUTUKAN SA GOBYERNO

NANANAWAGAN si Atty. Alex Lacson na tiyaking ligtas ang 342 Pilipinong OFW sa Ukraine sa gitna na kaguluhang nagaganap doon sa pagitan ng nasabing bansa at Russia.

Inihayag ito ni ni Atty. Lacson kasabay ng pag-utos ni Russian President Vladimir Putin sa mga sundalong Ruso na pumasok sa Lugansk at Donetsk, mga rehiyon ng Ukraine, na nasa kamay ng mga rebelde.

Ayon kay Putin, ang mga tropang Ruso ay kailangan sa mga nabanggit na rehiyon bilang parte ng “peace keeping mission”. Matagal nang sinusuportahan ng Russia ang rebellion sa mga nabanggit na lugar ng Ukraine.

Ngunit kinondena ng Pangulo ng Ukraine Volodymyr Zelensky ang panghihimasok ng Russia sa kanilang teritoryo bilang isang iligal na panghihimasok sa kanilang bansa. Nagmamasa ngayon ang 150,000 na tropang Ruso sa border nito sa Ukraine at pinangangambahan na ito ay maging hudyat para sa tahasang paglusob at pagsakop ng Russia sa Ukraine.

“Kailangang kumilos tayo ng maagap upang masiguro na ligtas ang ating 342 na kababayan na ngayon ay nasa Ukraine. Tinatawagan ko ang ating consulate doon na agarang gumawa ng hakbang upang malaman natin ang lokasyon at kalagayan ng mga Pilipino doon at magsagawa ng contingency plans and measures upang matugunan ang anomang mga pangangailangan doon ng ating mga kababayan,” sinabi ni Atty. Lacson.

“Sa huling librong sinulat ko, ang 500 Years Without Love, may isang character doon na si Phebe na kahit na isang guro ay napilitang maging OFW at napahamak dahil sa pagmamalupit ng kanyang amo. Maraming Phebe sa ating lipunan. Nasanay na lang tayo makinig sa kanilang kuwento pero walang Pilipino na dapat makaranas ng ganitong pagmamalupit. Wala ring Pilipino na dapat maipit sa isang giyera na wala naman tayong kinalaman dahil doon siya nakahanap ng trabaho bilang OFW,” sinabi ni Atty. Lacson.

“Kung ako ay papalarin bilang senador, susuportahan ko ang mga batas at mga polisiya na lilikha ng trabaho sa Pilipinas at magpapasigla sa ating ekonomiya upang hindi na kailangan pang magkaroon ng mga Phebe o mga Pilipinong natutulog sa kalye sa Hongkong at nanganganib sa mga lugar tulad ng Ukraine,” sinabi ni Atty. Lacson. (ESTONG REYES)

269

Related posts

Leave a Comment