ASAHAN ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).
Batay sa pagtaya ng Oil Industry Management Bureau (OIMB) ng DOE at sa apat na araw na kalakalan, posibleng tumaas ng: P0.60 kada litro ang gasolina; P1.30 kada litro ang diesel; P1.00 kada litro ng kerosene.
Isa sa pangunahing dahilan ang sitwasyon sa Iran na nagtulak pataas sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
“‘Yan talaga ang primary for this week… Monday to Wednesday ay talagang tumaas ‘yan because sa kaguluhan sa Iran,” pahayag ni Assistant Director Rodela Romero ng OIMB-DOE.
Aminado rin ang DOE na malaki ang epekto ng palitan ng piso kontra dolyar sa presyuhan ng langis.
“Kapag dollar po ang pag-angkat, apektado talaga ng forex. Malaking component po ‘yan sa cost ng product,” paliwanag ni Romero.
(CHAI JULIAN)
2
