OKC NAISAHAN NG CAVS

MULING inakay ni Darius Garland, may 23 points at 11 assists, ang host Cleveland Cavaliers tungo sa 94-87 win kontra Oklahoma City Thunder, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila).

Nakapagtala si Garland ng at least 20 points at 10 assists sa ikaapat na sunod na laro.

Naglista si rookie Evan Mobley ng 15 points at season-high 17 rebounds sa ikaanim na panalo ng Cleveland sa pitong laro. Nag-ambag din si Jarrett Allen ng 14 points at 13 rebounds.

Ito ang ikalimang sunod na kabiguan ng Thunder at pang-12 sa huling 14 laro.

Nang huling magharap ang dalawang team noong Enero 15 sa Oklahoma City, nagpakitang-gilas din si Garland, umiskor ng 27 points partikular sa stretch, upang itakas ang Cavaliers sa 107-102 win, kung saan sa bandang dulo na ng fourth quarter nakatikim ng abante.

Sa pagkakataong ito, nagbida si Garland sa third quarter pa lang, 13 points at three assists.

Lahat ng puntos niya sa third quarter ay ginawa sa stretch na tumagal nang limang minuto, upang ang two-point lead sa halftime ay palobohin hanggang 17 puntos bago natapos ang third.

Mas malaki pa sana ang lamang ng Cavaliers, kundi lang namintis ang walo ng kanilang 13 free throws sa nasabing quarter at may seven turnovers pa, na nakatulong sa Thunder makadikit.

Ang Cleveland ay may ­shooting na season-low 51.4% sa free throw line at 22.2% (6 of 27) sa likod ng 3-point line. Ito ang second worst percentage ng team sa season.

Sa nalalabing pitong minuto, talsik sa laro si Oklahoma City’s Luguentz Dort makaraang sikuhin si Cleveland’s Kevin Love matapos mapituhan, habang nag-aagawan sa bola.

Makaraan ang may apat na minuto sa first half, bagsak si Cleveland’s Lauri Markkanen nang ma-sprain ang right ankle matapos bumagsak para pigilan ang lay-up ni Shai Gilgeous-­Alexander.

Tinulungan si Markkanen ng mga kasama patungo sa locker room at hindi na nakabalik sa laro.

Hinabol ng Thunder ang 10 point deficit sa huling dalawang minuto bago halftime, nang umiskor ng walong sunod at maibaba sa two points, 47-45, kung saan mintis naman ang huling limang shots ng Cavs.

Tumapos si Gilgeous-­Alexander na may 29 points para sa Thunder at wala nang iba pang Oklahoma City player ang umiskor ng higit 12.

KINGS TIKLOP SA BUCKS

NAGTULONG sina Khris Middleton (34 points) at Jrue Holiday (26 points) nang hiyain ng Milwaukee Bucks ang bisitang Sacramento Kings, 133-127, upang tapusin ang three-game homestand.

Napanatili ng All-Star duo ang win streak ng Bucks, sa kabila ng pagliban ni Giannis Antetoko­unmpo sanhi ng sore knee.

Tumapos si Middleton na may 12-of-20 shooting, habang 10-of-20 naman si Holiday sa field.

Nag-ambag din si Donte DiVincenzo ng 20 points off the bench, nagdagdag si George Hill ng 17 at may 15 si Pat Connaughton.

Matapos itala ang worst ­shooting performance sa season mula sa 3-point range nang ­talunin ang Bulls, bumawi ang Milwaukee, humirit ng 21-of-42 (50%).

Nanguna sa Kings si Harrison Barnes, 29 points at six rebounds mula sa 11-of-18 shooting. Nag-sumite si Tyrese Haliburton ng 24 points, six rebounds at 122 assists at si Terence Davis, 22 points.

Sa huling sandali ay ini­skrats sa laro si De’Aaron Fox sanhi ng left ankle injury.

Dapat sana’y nakadikit sa tatlong puntos ang Sacramento sa fourth quarter matapos ang dalawang free throws ni Haliburton, ngunit pinigil ng Bucks ang anumang pagtatangka ng Kings na makuha ang lead.

Agad nagpasabog ang Milwaukee ng 3-pointers sa third period sa pangunguna ni DiVincenzo. Walong tres ang naglagay sa Bucks para umabante hanggang 15 points, na nagawang maibaba ng Sacramento sa sampu sa pagtatapos ng period.

Lumabas din si Wesley ­Matthews sa third quarter matapos magtamo ng left knee contusion.

Isang 13-5 run sa huling 2:39 ng first half ang umakay sa Milwaukee sa eight-point lead sa halftime. Top scorer si Middleton, 17 points mula sa 7-of-9 shooting at 13 naman mula kay Holiday.

Nagawa rin ng Bucks na ­makaiskor sa 3-point range, 10-for-20.

Nakatikim din ng lead ang Kings, 35-27 sa pagtatapos ng first quarter, buhat sa limang 3-pointers at 9-0 run sa huling limang minuto ng nasabing quarter.

Pero, pinilit ni Middleton na manatiling nakadikit ang Milwaukee sa pag-iskor niya ng nine points.

Samantala, panalo ang Phoenix Suns laban sa Indiana Pacers, 113-103.

LILLARD ‘DI AGAD
MAKALALARO

SUMAILALIM si Damian Lillard sa surgery nitong Enero, sanhi ng abdomen injury na matagal nang iniinda sapol pa noong Tokyo Olympics, at kinakailangan niyang mawala sa laro pinakamatagal ang anim na linggo.

At kung kailangan na niyang bumalik, babalik siya, pero hindi agad-agad.

“I’m just a week from surgery. We said we’ll re-evaluate my situation weeks out, six to eight weeks, and we’ll talk about it then. But I’m not in a rush,” lahad ni Lillard sa AP.

Ayon kay Lillard, numero unong hangad niya ang manalo ng kampeonato, kaya babalik siya sa sandaling nasa tip-top shape.

“My number one goal is to win a championship. I’ve got to be in the best form of myself to make that happen and to be a part of that. So I’m not in a rush. We’ll talk about whatever that timeline is when we get to that point,” dagdag niya.

Nagpa-MRI si Lillard noong Disyembre, at doon nakumpirma ang ‘lower abdominal ­tendinopathy’ na ilang buwan na niyang nararamdaman. Naka-11 absent na siya sa laro ngayong season bunga nang nasabing injury at tumatanggap siya ng cortisone injection para maibsan ang sakit. Sa kabila noon, hindi siya nakakatagal sa paglalaro.

Disyembre 31 nang huling lumaro si Lillard, na may averaged 24 points, 7.3 assists at 4.1 rebounds ngayong season sa kanyang 10th year sa Portland.

“It was just one of those things where I’ve always had control over how I moved and everything, and it had reached a point where my body couldn’t do what my mind wanted it to do, and go places that I wanted it to go,” komento pa rin ni Lillard via The Associated Press. “At some point you’ve got to play chess, you’ve got to make decisions that suit you for the long haul and not just right now.”

146

Related posts

Leave a Comment