OMICRON CASES TUMAAS SA HALOS LAHAT NG REHIYON

PINANGANGAMBAHAN ng Department of Health (DOH) na ang 816 pang bagong kaso ng Omicron subvariant ng COVID-19 ang natukoy sa pinakahuling sequencing sa halos lahat ng mga rehiyon sa bansa.

Ayon sa anunsyo ni Health Officer-In-Charge Ma. Rosario Vergeire, lahat ng rehiyon maliban sa BARMM, ay natukoy ang kaso ng BA.5.

Umabot na sa 12 returning overseas Filipinos (ROFs) ang natukoy na tinamaan ng subvariant. Samantala, kabuuang 42 pang kaso ng Omicron BA.4 subvariant ang naitala sa bansa.

Sa nasabing kaso, sinabi ni Vergeire na 10 ang mula sa Region 12, mayroon namang 9 sa Region 11, sa Region 6 ay nakapagtala ng pito, may tig-apat namang kaso sa National Capital Region (NCR) at Region 5, tatlo mula sa Region 4-A, at tig-isa sa CAR at BARMM.

Sa nasabing subvariant, tatlo ang ROFs na nagpositibo.

Nilinaw naman ni Vergeire na ang BA.5 at BA.4 subvariants ay hindi nagdudulot ng critical o severe infection at halos magkapareho sila ng mga katangian at hindi dapat maging dahilan ng pag-aalala.

Kaugnay naman sa BA.2.12.1, sinabi ni Vergeire na mayroong 52 na bagong kaso na natukoy sa Regions 3, 5, 6, 7, 9, 11, 12, 4A, CAR, CARAGA, at NCR.

Samantala, opisyal na umanong ilulunsad ng Department of Health (DOH) ang ‘Pinalakas’ campaign o ang booster campaign, kasama si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at ang Local Government Units (LGUs).

Sa kauna-unahang face-to-face media forum na isinagawa sa tanggapan ng DOH, sinabi ni Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na layon nito mabakunahan ang 90 porsyento ng target population ng senior citizen o A2 category.

Gayundin upang mabigyan ng booster ang 50 porsyento ng target population sa ika-100 araw ng bagong administrasyon.

Ayon kay Vergeire, gagawing available ang pagbabakuna sa mga palengke, lugar ng trabaho, eskuwelahan, transport terminals, at iba pa. (RENE CRISOSTOMO)

204

Related posts

Leave a Comment