ONE ID SYSTEM ISUSULONG SA PASIG CITY PARA SA MAS MABILIS NA PAGHAHATID NG MGA SERBISYO

ISUSULONG sa Pasig City ang pagkakaroon ng One ID system para sa mas mabilis na paghahatid ng serbisyo sa mga residente.

Ayon kay mayoralty candidate Sara Discaya, makatutulong ang pagkakaroon ng One ID system para sa mabilis na access sa mga serbisyo kabilang ang mga tulong-pinansyal, complimentary medical check-ups, at iba pang benepisyo ng lokal na pamahalaan.

“As we enter 2025, we are actively transforming Pasig into a city that prioritizes efficiency, speed, and modernity. We are committed to ensuring that no Pasigueno faces difficulties in accessing vital services,” aniya.

Ayon kay Discaya, mapagbubuti ng “One ID system” ang modernization at mas mababawasan ang hirap sa pagproseso sa mga serbisyo. Ang system na tatawaging “Pasigueno Pamilya Tayo with Pasig I.D. Card” ay bahagi ng bisyon ni Discaya para sa modern at Smart City na target masimulan ngayong taon.

Sa pamamagitan nito, mababawasan aniya ang hamon at hirap ng mga residente para makuha ang nararapat na serbisyo.

“Through the advancement of modernization, this program will streamline the process of delivering help and support, making it more efficient and equitable for all. Consequently, we are excited to introduce Pasig ID, which will serve as a gateway to expedited services and assistance,” dagdag pa ni Discaya.

Kung maisasakatuparan, maaari ring magsilbing modelo ang naturang sistema para maipatupad sa iba pang bahagi ng bansa upang mas maging mabilis ang mga transaksyon hindi lamang sa gobyerno kundi pati sa mga pribadong sektor. Kasamang mapabibilis ang pamamahagi ng holiday gifts, educational supplies, food packages, at iba pang mga benepisyo. Mapagbubuti rin nito ang serbisyong pangkalusugan dahil sa pamamagitan lang ng pag-scan mabilis na makaka-avail ng libreng check-ups, medications, at iba pang medical support.

37

Related posts

Leave a Comment