ONE RFID, ALL TOLLWAYS SYSTEM KASADO NA SA LUZON EXPRESSWAYS

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng One RFID, All Tollways system sa South Luzon Expressway, Calamba City — layuning gawing mas madali at moderno ang pagbabayad sa toll sa buong Luzon.

Ayon kay Marcos, libre at opsyonal ang registration sa bagong RFID system na papalit sa dating two-card setup ng Autosweep at Easytrip.

“Hangad natin ang dire-diretsong biyahe mula hilaga hanggang timog. Reduce unnecessary stress,” ani ng Pangulo.

Sa ilalim ng sistema, isang RFID sticker na lang ang magagamit sa lahat ng major expressways gaya ng NLEX, SLEX, Skyway, CALAX, at TPLEX.

Dagdag pa niya, “Ginawa nating madali, abot-kamay, at hassle-free ang proseso — pwedeng magparehistro online o walk-in.”

Nagpasalamat din ang Pangulo kina Ramon S. Ang ng San Miguel Corp. at Manny V. Pangilinan ng Metro Pacific Investments Corp. sa pakikipagtulungan para sa makabagong tollway system.

Ilulunsad naman sa susunod na taon ang group o fleet account para sa One RFID, All Tollways system.

(CHRISTIAN DALE)

19

Related posts

Leave a Comment