ONLINE PAUTANG, KAILANGANG IPATIGIL NG NTC

RAPIDO NI TULFO

IMBES na makabawas sa problema, dagdag stress ang dala nitong naglipanang online lending sa mga social media.

Ilang lending apps ang makikita mo sa Facebook habang ikaw ay tumitingin ng mga post kaya’t nakakaengganyo umanong umutang.

Pero sa oras na pautangin ka ng mga ito ay doon na mag-uumpisa ang inyong sakit ng ulo dahil sa laki ng interest na ipapatong.

Ayon sa reklamo, ma-delay ka lang ng isang araw, sa halagang P2,000 na inutang mo ay aabot na sa mahigit 3K ang kailangan mong bayaran dahil sa interest.

Magaling umanong manakot at mamahiya ang mga lending company na ito.

Kaya’t kung ikaw ay stress dahil sa laki ng interest ay mas mai-stress ka sa sobrang pamamahiya at pananakot ng mga ito.

Dapat ay i-regulate ng National Telecommunication Commission ang ganitong uri ng pang-iiskam online. Dahil sinasamantala nito ang pangangailangan ng ating mga kababayang nagigipit.

Payo naman ng mga otoridad, ‘wag pumatol sa mga lending na makikita online upang maiwasan ang mas malaking problema. Tanging sa mga lehitimong lending company na lang manghiram ng pera.

161

Related posts

Leave a Comment