ONLINE STAKEHOLDERS’ FORUM ISINAGAWA NG BOC-SURIGAO

Bilang pagsunod sa nakalinyang Commissioner’s 10-Point Priority Program ngayong 2020 para sa tinatawag na ‘Enhance Trade Facilitation and Enhance Stakeholders’ Engagement,’ ang Bureau of Customs Port of Surigao ay nagsagawa ng kauna-unahang online Stakeholders’ Forum kaugnay ng mga Latest Customs Procedures.

Sa pamamagitan ng zoom meeting at Facebook live, ­sinimulan ang aktibidad sa mainit na welcome remarks ni District Collector Noli P. Santua Jr. ng BOC-Port of Surigao. Inihayag niya ang kanyang pasasalamat sa stakeholders na naglaan ng kanilang oras para makiisa sa nasabing webinar.

Dinaluhan ito ng mga importers, exporters, brokers at port users sa Caraga region.

Karagdagan nito, inihayag din ni Collector Santua na ang online forum ay magandang plataporma sa pagpapalakas ng magandang pagtatrabaho kasama ng stakeholders upang makapaglaan din ng maayos na pagkaunawa at magbibigay linaw sa mga katanungan hinggil sa ibat-ibang area na saklaw ng ‘Customs rules, policies and reforms’.

Isang maikling pagpapaliwanag kaugnay sa Customs Customs Operations Procedures ang ibinahagi ni Mr. John Phillip B. Pura, Acting Chief Bay Service Section, kasunod ni Port Operations Division Chief Mr. Leo F. Azarcon’s na may kinalaman naman sa Documentary Requirements for Processing of Permits to Board and Permit to Shipside.

Ipinaliwanag naman ni Ms. Fritzzy Lei G. Nacario, COO III ng Export Division ang may kinalaman sa Export Procedures at maikling ­detalye kaugnay sa amendment/cancellation ng Export Declaration na may kaug­nayan sa AOCG Memorandum Order No. 164-2020.

Bukod dito, iprinisenta naman ni Assessment Division Chief Corazon R. Carnicer ang Procedures, Documentations and Updates in the Filing of Goods Declaration.

Kasunod ay ng talakayan sa Fines and Surcharges sa ilalim ng Customs Administrative Order 01-2020 na tinalakay ni Ms. Analou A. Hila-os, Acting Chief, Customs PEZA.

Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan dahil sa maayos na programang ginawa ni Administrative Division Chief Bryan Daryl C. Calang, bilang head ng Customer Care Center ng Port.

Tiniyak ng BOC-Port of Surigao na sa lahat ng kanilang stakeholders na may susunod pang isasagawang mga webinars sa unang bahagi ng 2021. JOEL O. AMONGO

125

Related posts

Leave a Comment