Oobligahing magsumite ng medical certificate SOTTO: PUBLIC SERVANTS DAPAT ‘FIT TO WORK’

ISINUSULONG ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang panukala na mag-oobliga sa mga government official at employees na magsumite ng medical certificate upang patunayan na sila ay ‘fit to work’.

Sa Senate Bill No. 1818 o ang proposed “Fit-to-Work Act”, nais ni Sotto na magsumite ang lahat ng public servants ng medical certificate kada taon upang matiyak na nasa maayos ang kanilang kalusugan at kayang tumupad sa kanilang tungkulin.

“It is the mandate of public officers and employees to serve the people with utmost responsibility and efficiency at all times. Intelligence and skills alone are not enough to carry out this sworn duty. A good state of health is of equal importance and critical factor in discharging one’s function, yet often overlooked,” saad ni Sotto sa kanyang explanatory note.

Nakasaad din sa panukala na layun din nito ang promosyon ng health awareness sa lahat ng mga government official at employees para sa transparency sa kanilang health status. Batay sa panukala, isusumite ang medical certificate at laboratory test results bago ang April 30 ng kada taon kung saan nakasaad na may kakayahan itong gawin ang kanyang mga responsibilidad.

Sasailalim din sa annual physical examination ang mga government officials and employees na isasailalim sa ebalwasyon ng government physician at mag-iisyu ng medical certificate.

Nakasaad din sa panukala na papayagan ang publiko na makita ang medical certificates subalit hindi na kasama ang laboratory test results dahil sa confidentiality at privacy.

Ang mga mabibigong magsumite ng medical certificate ay mahaharap sa kasong administratibo.(DANG SAMSON-GARCIA)

195

Related posts

Leave a Comment