OPERASYON NG BOC-CIIS, ESS AT PNP-CIDG: 2 HULI SA PAGBEBENTA NG KONTRABANDO

ARRESTED-10

Naaresto ng pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS), BOC-Enforcement and Security Service (ESS) at ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dalawang lalaki dahil sa ilegal na pagbebenta ng items na nasabat ng BOC kamakailan.

Nakilala ang mga naaresto na sina Primo Baldon at Richard Lagrolia.

Ayon sa report, noong Hulyo 12, 2019, ang mga elemento ng CIIS at ESS ay nakipag-ugnayan kina  PLtCol Cesar G. Paday-os, chief ng CIDG Anti-Transnational Crime Unit (ATCU) kaugnay sa ulat ukol sa iregularidad ng  isang grupo na nagpakilalang mga empleyado ng BOC.

Base sa inisyal na ulat ng BOC Intelligence Group (IG), ang modus ng grupo ay magpo-post ng  vehicle for sale sa social media sa napakababang halaga at makikipagkasundo sa bibili ng sasakyan na sila’y makikipagkita.

Ang kasunduan ng magkabilang panig ay magkikita ang mga ito malapit sa office ng BOC at magpapakita ng  identification cards ang suspek para makumbinsi ang biktima na mga empleyado ng BOC ang kanyang kausap.

Noong Hulyo 16, 2019 plinano ang entrapment operation ng pinagsanib na elemento ng  CIDG, ESS, at CIIS.

Sa nasabi ring araw, ay nagkasundo ang mga operatiba at ang mga suspek na magkita sila sa Gate 1, Port Area, Manila na nagresulta ng pagkakaaresto nina Baldon at  Lagrolia.

Kasalukuyang ginagawa ang joint investigation ng BOC, PNP, at CIDG para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek. (Joel O. Amongo)

303

Related posts

Leave a Comment