BASE sa pag-aaral ng mga political analyst, sa mahigit na 31% hanggang 32% na diperensiya ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mga survey ay posibleng umabot sa mahigit 20 milyong boto ang ilalamang niya kay Leni Robredo sa darating na May 9 national and local elections.
Ang pagkuha ng Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia Survey ng datos kung sinong mananalong presidente ay nagsimula noong 1992 hanggang 2016.
Noong 1992 presidential election sa survey ng SWS, nakapagtala si presidential candidate Fidel Ramos ng 18% laban kina Miriam Defensor Santiago, 18% at Danding Cojuangco, 12%.
Sa election result ay nakakuha si Ramos ng boto na 5,342,521 o 23.58% (winner), Santiago, 4,468,173 o 19.72%.
Noong 1998 presidential election sa survey ng SWS, nakakuha si Joseph “Erap” Estrada ng 39% (winner) laban kay Jose De Venecia (JDV) na may 16%.
Ito ay nagresulta ng 10,722,295 o 39.86% boto para kay Erap at 4,264,483 o 15.67% kay De Venecia.
Sa presidential election noong 2004, sa survey ng Pulse Asia sa labanan nina Gloria Macapagal-Arroyo, nakakuha si GMA ng 34% laban kay Fernando Poe Jr., 31%.
Sa election result ay nakapagtala si GMA ng 12,905,808 o 39.99% (winner) laban kay FPJ na may 11,782,232 boto.
Noong 2010 presidential election sa survey ng Pulse Asia, nakakuha si Noynoy Aquino ng 39% laban kay Joseph “Erap” Estrada na may 20%.
Ito ay nagresulta ng 15,208,678 o 42.08% boto kay Aquino (winner) laban sa 9,487,837 na boto ni Erap.
Sa 2016 presidential election sa survey ng Pulse Asia, nakakuha si Rodrigo Duterte ng 33% laban kay Grace Poe na may 22%.
Sa resulta ng election, nakapagtala si Duterte ng 16,601,997 o 39.01% boto at ang sumunod sa kanya ay si Mar Roxas na may 9,978,175 o 23.45% na ang survey ay 20% lang at pumangatlo lamang siya.
Subalit si Poe na nasa pangalawa sa survey ay pumangatlo na lamang sa resulta ng election na nakakuha lamang ng 9,100,991 o 21.39%.
Sa darating na May 9 national at local elections sa pinakabagong survey ng SWS, si BBM ay nakapagtala ng 50% laban kay Leni na may 19% at may diperensiyang 31% pabor sa batang Marcos.
Sa pinakabagong Pulse Asia Survey naman, si BBM ay may 56% laban kay Leni na may 24% at may diperensiyang 32%.
Sa labanan nina Erap at De Venecia noong 1998 na may diperensiyang 8% sa survey, ay nag-resulta ng lamang ng boto ni Estrada ay 6,457,812 laban kay JDV.
Kaya hindi nakakapagtaka na ang magiging lamang ni BBM laban kay Leni sa darating na election ay posibleng mahigit sa 20 milyong boto.
Kaya naman hindi magkanda-ugaga ang kampo ni Leni sa kanilang pangangampanya.
Sa katunayan, pati na ang mga anak ni Leni ay tumulong na rin sa kanya sa ginagawang house to house.
Subalit ayon sa mga political analyst, sa ilang araw na lang na natitira bago ang eleksyon ay malabo nang makahabol pa si Leni kay BBM dahil sa sobrang laki ng diperensiya ng kanilang survey ratings.
Bye! Len-Len, bumawi ka na lang sa next election, ganyan talaga ang buhay, ‘di mo panahon ngayon.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.
94