7.3-M NA TAMBAY SA PINAS DAHIL SA COVID

KAWAWANG Inang Bayan na dating mahirap ay lalo pang naghihirap dahil sa pananalasa ng pandemic na coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Marami nang nawalan ng trabaho mula sa mga masahista (therapist), jeepney drivers, UV express drivers, beauticians at maging ang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Libu-libo na ang nakauwi sa kanilang mga probinsiya, subalit patuloy pa ang pagdating ng OFWs mula sa ibat-ibang bansa.

Pagdating sa Pilipinas, wala silang trabaho kaya naman inaasahan natin na dadami pa ang magiging istambay sa bayan ni Juan.

Sa pinakahuling report ng Philippine Statistic Authority (PSA) umaabot na ng 7.3 milyong ang walang trabaho sa Pilipinas dahil sa COVID-19.
Mahigit dalawang buwan nang hindi normal ang pamumuhay ng mga Pinoy dahil sa kalaban na ito na hindi natin nakikita sabi nga ng  mga retiradong sundalo na nangunguna ngayon sa paglaban sa COVID-19 na ito, nahirapan sila dahil hindi nila ito makita.

Solusyon lang daw nito ay magtago tayo sa bahay na  ibig nilang sabihin ay limitahan ang paglabas para hindi tayo matalo.

Sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, wala sanang problema kung may bakuna na laban makahahawa at nakamamatay na sakit.

Dahil sa kalaban na ito (COVID-19) maraming pamilya na ang pinaghiwa-hiwalay nito, lalo na ang health workers na tinamaan nito.
Isang halimbawa na ang nangyari kay Michelle’s Silvertino, 33, ng Camarines Sur, na nagtungo sa Maynila upang makapag abroad dahil sa hirap ng buhay sa lalawigan subalit bumagsak sa medical examination kaya hindi siya natuloy na mag-abroad.

Kaya naman, para makatulong sa pamilya ay namasukan sa Maynila bilang kasambahay.

Kamakailan mula Cubao, Quezon City naglakad siya papuntang Pasay City para mag baka sakali na may masasabayan pauwi sa kanilang probinsiya kung saan naroroon ang kanyang 4 na anak.

Nabigo ang ginang na makasakay dahil walang public transport kaya sa footbridge sa Pasay City na lang natutulog sa loob ng limang araw kung saan ito nagkasakit hanggang mamatay.

Hindi pa rin nakauwi sa kanyang pamilya si Michelle kahit patay at hindi rin nasilayan ng kanyang pamilya ang kanyang bangkay dahil inilibing na ito sa Maynila at hindi agad naimpormahan ang kanyang kaanak.

Ramdam na rin ng gobyerno ang hirap lalo na pagdating sa pondo dahil wala namang gaanong nagbabayad ng buwis ngayon sapagkat  karamihan sa mga kumpanya ay mga sarado nitong nakaraang dalawang buwan na lockdown.

Kaya dalangin ng tao sa buong mundo, “Lord, naway matapos na ang COVID-19 para makahinga na ang sangkatauhan sa hirap na dinaranas.”

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com

136

Related posts

Leave a Comment