AWAY NG MGA ELEPANTE

DPA ni BERNARD TAGUINOD

“WHEN elephants fight, it is the grass that suffers”

‘Yan ay isang African proverb o salawikain na ang ibig sabihin ay “ang maliliit ang nasasaktan kapag nag-away ang mga makapangyarihan”.

Naisip ko ang salawikain na ‘yan habang nagbabanggaan ang pamilyang Marcos at Duterte na dating magkakampi noong 2022 presidential election pero ngayon ay parang mortal na silang magkaaway.

Pero habang nag-aaway ang dalawang pamilyang ito na may kanya-kanyang supporters pa, ang nagdudusa ay ang mga Filipino dahil tiyak na mapababayaan sila dahil mas maraming oras ang nagugugol nila sa kanilang away.

Kahit sabihin pa nila na tuloy lang ang trabaho at pagsisilbi sa taumbayan habang sila ay nagbabangayan, ay maaapektuhan at maaapektuhan pa rin ang kanilang performances dahil sa kanilang away.

Tiyak na marami silang oras na uubusin sa kanilang away dahil “survival of the fittest” na ito sa kanila. Walang gustong matalo sa kanila dahil kung sino ang matatalo, katapusan na nila at hindi nila ‘yan papayagan.

Magtatagal ang away na ‘yan hanggang 2028 o pagkatapos ng susunod na presidential election lalo na kapag wala sa kanilang pamilya ang iluluklok sa Palasyo ng Malacañang pero kapag isa sa kanila ang mahahalal, magpapatuloy ang bangayan na ‘yan pagkatapos ng halalan.

Medyo titigil lang sa kanilang political war ang dalawang pamilyang ito kapag iba ang mahahalal na pangulo ng ating Inang Bayan sa 2028, kaya dapat mag-isip-isip ang sambayanang Filipino at huwag payagang mabudol ulit sila.

Alam naman natin na kapangyarihan ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng political war sa political dynasties families. Huwag nilang sabihin sa atin na hindi ito para sa kanilang interes kundi interes ng sambayanan kaya sila nag-aaway.

Ginagamit lang nila tayong dahilan kaya sila nag-aaway pero ang totoo, nadadamay tayong lahat sa kanilang political war dahil sa kapangyarihan na walang sinoman sa kanila ang gustong pakawalan ‘yan.

‘Yang ganyang away ay matagal nang nangyayari sa mahihirap na mga probinsya kung saan naglalabanan at madalas nagiging madugo pa ang pag-aaway ng political clans lalo na sa panahong ng halalan.

Dinala lang ng dalawang pamilyang ito sa national level ang nangyayari sa mga probinsya na maraming political dynasties.

Ang nangyayari sa mga probinsya, ang mga local constituent ang apektado kaya hindi sila umaasenso dahil sa away ng political clans at ngayong dinala na ng dalawang pamilyang ito ang political war sa national level, malamang buong bansa na ang magdurusa.

57

Related posts

Leave a Comment