BACOOR CITY PNP, KINILALA BILANG TOP PERFORMING POLICE STATION!

TARGET NI KA REX CAYANONG

HINDI maitatanggi na napakalaking tulong ang mas pinaigting na police visibility at police operations.

Nariyan nga ang maximum deployment ng mga pulis at iba pang security personnel para sa pagpapanatili at pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng ating mamamayan.

Ganyan ang ginagawa ng mga tauhan ng Bacoor City Police Station na pinamumunuan ni Acting Chief of Police P/Lt. Col. Ruther Saquilayan.

Masasabing ito ang isa sa nagbigay ng mensahe sa mga kriminal na huwag nang ituloy ang kanilang masamang plano.

Kamakailan, kinilala ang Bacoor City PNP, sa pangunguna ni Saquilayan, bilang “Top Performing Police Station” sa buong lalawigan ng Cavite.

“Naging No. 1 po tayo sa City Category ng Unit Performance Evaluation Rating (UPER) at umani ng 96.83% rating,” ayon sa statement ng Facebook page ni Mayor Strike Revilla tungkol sa Bacoor PNP.

Nagkaroon din ang Bacoor PNP ng “highest number of Arrest” ng most wanted persons sa City Police Station Category mula January 1-31, 2023.

“Kaya naman, nagbigay-pagkilala po tayo sa police officers at personnel na naging bahagi ng ating mga nakamit na tagumpay,” dagdag ng alkalde.

Kabilang sa mga kinilala sina P/CMS Kenneth N. Calong, P/MSg. Renato T. Gutierrez, P/SSg. Jethro G. Peñalosa, P/Cpl John Ranen C. Trinidad, at P/Cpl. Michael U. Cruz. Sa ITMS Section, tinukoy sina P/SSg. John Emmanoel C. Angat at Pat. John Paul M. Ignacio habang sa Admin Section naman sina P/SSg. Janalyn B. Gregorio at P/Cpl. Luvimar Joy DA Ross.

Kinilala rin ang husay nina P/CMS Feliciano Q. Garcia III at P/SSg. Macaria B. Escobar ng PPPS Section, P/SSg. Benjamin F. Tanael, Jr. ng Intelligence Section, P/SSg. Edmund B. Panes ng HRDD Section, gayundin sina P/MSg. Nestor T. Ricardo at P/SSg. Jessie V. Aguilar (Good Deeds).

Samantala, nasa 500 gramo naman ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon, ang nasabat sa operasyon ng Bacoor PNP kamakailan.

“Maraming salamat po sa inyong serbisyo, Bacoor PNP. Sama-sama tayong mag- #StrikeAsOne para sa mas ligtas at maayos na lungsod… dahil #SaBacoorAtHomeKaDito!” sabi ni Mayor Strike.

Sa totoo lang, kung mapapanatili ang mababang bilang ng krimen at lalaganap ang kaayusan, mas mabilis ang ating paglaban sa kahirapan, at iba pang efforts ng pulisya at LGUs.

Bukod dito, syempre, mas madaling maghanapbuhay nang walang banta sa ating kaligtasan.

Kaya saludo tayo sa mga awtoridad, lalo na sa Bacoor Police sa pangunguna ni ACOP Saquilayan, na nagbibigay-proteksyon sa ating mga kababayan.

Mabuhay po kayong lahat at God bless!

 

441

Related posts

Leave a Comment