BAKIT PINASASARA ANG MGA PAARALANG LUMAD?

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Sa loob ng ilang taon, malaking usapin sa hanay ng mga Lumad ang pagpapasara ng mga Lumad schools sa buong Mindanao. Ito ay mga paaralang tinayo nila dahil sa kanilang malalayong lugar, halos walang mga paaralan ang naitatayo ng pamahalaan.

Ngunit, imbes na suportahan ng pamahalaan ang mga paaralang itinayo ng mga Lumad at kilalanin ang kanilang karapatan upang paunlarin ang kanilang mga komunidad ayon sa kanilang sariling sikap at pagpapasya, ay inaatake ang mga ito sa maraming prontera. Ang pinakahuli sa mga atakeng ito ay nang pagpaparatang muli ng 402nd Infantry Battalion sa Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) at ang Tribal Filipino Program of Surigao del Sur bilang mga training ground ng komunistang New People’s Army. Maging ang DepEd ay nag-utos na ipasara ang mga paaralang Lumad. Ang mga pangyayari at mga paratang na ito ay nagbubunga sa pandarahas, pagpatay, pananakot, at tuluyang pagpapasara sa mga paaralang Lumad.

Apat na taon na ang nakalilipas noong Setyembre 1 ay pinatay ang mga lider ng Lumad na sina Juvello Sinzo at Dionel Campos, ang Executive Director ng ALCADEV na si Emerito Samarca sa harap ng kanilang mga katribu. Si Emerito Samarca ay pinatay sa loob mismo ng paaralan.

Bakit ganito na lamang ang takot ng mga nasa gobyerno sa mga paaralang Lumad? Ang gobyernong ito ay umaasang ang mga Lumad ay mananatiling tahimik sa kabila ng paglabag sa kanilang karapatang pantao. Nais nitong hindi aangal ang mga Lumad habang binebenta nila ang mga mayayamang lupang ninuno ng mga katutubo sa dayuhan at lokal na kapitalista. Takot ang gobyerno sa mga Lumad na alam ang kanilang karapatan at kaya itong ipagtanggol. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nais nilang panatilihing mangmang ang mga katutubo. Hindi natin ito dapat payagan.

Stop Lumad killings! Save our schools! (Kakampi Mo ang Bayan / TEDDY CASIÑO)

225

Related posts

Leave a Comment