BBM HINDI NA MADADAYA INSIGHT Ni DR. BERNIE R. ANABO JR.

MGA Igan, hindi lamang ang mamamayan ang sumisigaw, kundi maging ang mga gobernador, na hindi na madadaya pa si presidential frontrunner Bongbong Marcos sa halalang nasyunal ngayong Mayo 9, 2022.

Gaya na lamang ng naging pahayag ni Sultan Kudarat Gov. Suharto Mangudadatu, ngunit sinabi nitong hindi dapat maging kampante ang mga lokal na opisyal na sumusuporta kay BBM bagkus ay bantayan nang maayos ang halalan.

Nakakatuwang isipin na sinabi rin nito na marami pang local officials sa Mindanao ang lulutang upang magpahayag ng suporta sa kandidatura ni Marcos.

Gaya na lamang ni Sulu Gov. Abdusakur M. Tan, na inaasahang lalantad din sa publiko upang opisyal na magpahayag na buo at solido ang kanilang suporta sa standard bearer ng Partido ­Federal ng Pilipinas.

Malaking development ang ginagawang paglalantad ng mga gobernador sa Mindanao dahil ang mga mayor na kapanalig nila ang magsusulong ng kandidatura ni BBM, at sisiguruhin nilang hindi ito madadaya sa halalan.

Bakit, mga Igan? Tingnan niyo naman, si Gov. Tan ay may 15 unopposed mayors mula sa 19 munisipalidad na sakop nito sa Sulu. Kaya ang 15 mayors na ‘yan, tiyak na ikakampanya si BBM. Ano kaya pa? he he he.

Magandang balita rin na naglabas na ng suporta si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, samantalang bukod kay Tan ay inaasahan ding maglalabas ng kanyang pahayag ng suporta si Tawi-Tawi Gov. Ysmael Sali na malapit na kaalyado ng running-mate ni Marcos na si Inday Sara Duterte-Carpio.

Bentahe rin mga Igan, ang pahayag ni Gov. Mangudadatu, na walang ini-endorsong kandidato si Pangulong Rodrigo Duterte kaya malaya ang lahat ng lokal na opisyal sa Mindanao na magbigay ng suporta sa mga kandidatong nais nilang tulungan.

Samantala, nakipagpulong umano si Gov. Mangudadatu, at asawang si Bai Mariam na tumatakbo ngayon bilang gobernador ng Maguindanao, na kabilang sa 15 governors, kay BBM noong nagdaang Linggo sa BBM Headquarters, Mandaluyong City.
Sama-sama namang nagpahayag ng suporta kay BBM sina Quirino Gov. Dax Cua, Tarlac Gov. Susan Yap, Isabela Gov. Rodito Albano, Romblon Gov. Jose Riano, Rizal Gov. Jun Ynares III, Misamis Occidental Gov. Philip Tan, Mindoro Occidental Gov. Eduardo Gadiano, Surigao del Sur Gov. Alexander Pimentel, Quezon Gov. Danilo Suarez, Batangas Gov. Hermilando Mandanas, Mountain Province Gov. Bonifacio Lacwasan at Bohol Gov. Art Yap.
Nito lamang April 2, 10 ­governors din ang nakipagpulong at sumusuporta sa kandidatura ni BBM. Kaya naman, sigurado na ang panalo at hindi na madadaya pa sa Halalan 2022.

Sa pahayag naman ni Nar­vacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson, na nasa BBM HQ, na 90% o 73 sa 81 gobernador sa bansa ang solido nang naka­suporta kay BBM.

Diin pa ni Mayor Singson, “malaking bagay ang suportang ito ng mga governor at mga mayor dahil sila ang may mga sari-sariling lider sa kani-kanilang probinsya na magsisilbing bantay para sa eleksyon at bilangan.”

Panalo na si BBM. Kaya sama-sama tayo at magkaisa tungo sa isang mapayapa at maunlad na bansa sa pamumuno nina BBM at Sara Duterte.

108

Related posts

Leave a Comment