TARGET NI KA REX CAYANONG
MATAGAL na naming kilala si House Deputy Speaker Roberto “Robbie” Puno.
Kaya alam namin kung gaano siya kasipag at kaseryoso sa kanyang mga ginagawa.
Sa Unang Distrito nga ng Antipolo City sa Rizal, aba’y umuulan ng mga proyekto at programa mula kay Puno.
Kaya mapapa-sanaol ka na lang talaga. Kaliwa’t kanan ang mga aktibidad ng mga Puno.
“Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ni Deputy Speaker Robbie at Board Member Randy Puno sa Department of Health (DOH) ay nakapaghandog ng libreng anti-pneumonia vaccine para sa isang libong senior citizens mula sa distrito,” ayon sa tanggapan ni Cong. Puno.
Sinasabing limitado lamang ang naipagkaloob na vaccines kaya sa mga nais na mabakunahan, mangyari na makipag-ugnayan sa inyong barangay upang magpalista para sa next batch para rito.
Tuloy-tuloy rin ang pamamahagi ni Cong. Puno ng educational assistance para sa mahihirap na mga estudyante.
Ngayong araw, Hulyo 3, aarangkada naman ang interview para sa mga magulang, guardian at estudyante na nakapag-register via online para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Educational Assistance mula sa Barangay Mayamot.
Tandaan na hindi raw sila tatanggap ng walk-in applicants at mahalagang dumating sa inyong takdang schedule.
Samantala, dumalo naman si Cong. Puno sa pag-iisang dibdib ng 32 couples sa “Kasalang Bayan” sa Barangay Dela Paz nitong nakaraang Miyerkoles, Hunyo 28, sa Jamesville Resort.
“Isang karangalan na maging saksi sa pinaka-importanteng araw sa inyo bilang mag-asawa. Mula sa amin nina Cheska, Congw. Chiqui at Deputy Speaker Puno, we wish you all the best at muli, congratulations. Maraming salamat sa napakainit na pagtanggap!” pahayag ng tanggapan ni Puno.
Sinaksihan din ng kongresista ang isa pang kasalang bayan kung saan 135 couples ang nag-isang dibdib sa Barangay Mambugan sa Ynares Events Center kamakailan.
Ilan lamang iyan sa mga aktibidad at proyekto ni Cong. Robbie Puno at ng kanyang buong pamilya.
Iyan ang #SerbisyongTatakPuno.
Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!
241