IKA-156 KAARAWAN NI ANDRES BONIFACIO

PUNA

INALALA ng mga manggagawa kahapon ang ika-156 kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio.

Siya ang Supremo ng Katipunan, kaya binigyan siya ng pagkilala at respeto ng mga manggagawa at mga opisyal ng gobyerno sa kanyang monumento sa Caloocan City.

Hindi makalilimutan ng mga Pinoy ang mga naiambag ni Ka Andres sa ating lipunan kaya naman hanggang ngayon ay hinahangaan ang kanyang katapangan.

Hindi siya nagpasindak kaninuman para ipagtanggol ang karapatan ng mga ordinaryong mamamayan.

Si Bonifacio ay tulad ni Lapu-Lapu na lumaban sa mga mananakop na mga Kastila. Ang mga nagawa nila ay hindi matatawaran. Kung nabubuhay pa sila ngayon, palagay ko ay hindi sila papayag sa pagdami ng mga tsekwa sa ating bansa.

Ang mga tsekwa na ito ay nakikiagaw pa sa mga trabaho sa bansa na dapat ay para sa mga Pinoy.

Kaya naman kahapon sa anibersaryo ng ika-156 kapanganakan ni Bonifacio ito ay sinabayan ng kilos-protesta ng mga manggagawa mula sa Kilusang Mayo Uno sa Chinese consulate sa Makati City, US Embassy at Liwasang Bonifacio na pawang nasa Maynila.

Sa araw na ito ay inihahayag ng labor groups ang kanilang mga hinaing sa mga kompanya at pamahalaan partikular sa usapin ng kanilang mga benepisyo at mga karapatan.

May punto po ang mga manggaagawa lalo na sa gitna nitong pagdami ng mga Chinese sa bansa.

Buti sana kung ang kanilang pagdami ay bilang mga turista.

Nasasangkot kasi sila sa iba’t ibang katiwalian sa bansa tulad ng kidnapping, illegal drugs at iba pang masamang gawain.

Abusado pa ang mga ito kapag nahuhuli ng mga awtoridad natin.

Kasabay din ng kapanganakan ni Bonifacio ay opening ng 30th SEA Games na ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kasaysayan din ang pagbubukas nito lalo’t may mga kontrobersya na lumutang.

Kung may sangkot man dito sa umano’y sinasabing katiwaliang nangyayari sa SEA Games dapat na imbestigahan at dapat maparusahan ang mga nasa likod nito.

Importante ngayong magkaisa po tayong suportahan ang mga atleta natin para magkaroon sila ng lakas loob na magiging baon bilang inspirasyon sa pagsabak sa larangan ng palakasan.

Disyembre na magmahalan po tayo.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com//operarioj45@gmail.com (Puna / JOEL O. AMONGO)

124

Related posts

Leave a Comment