ILANG SUPPORTERS NG OFW PARTY-LIST BINATIKOS KAMI

RAPIDO NI PATRICK TULFO

MAY mga bumatikos sa inyong lingkod ukol sa aking isinulat sa aking column na may kapareho ring titulo na lumalabas sa pahayagang Saksi Ngayon tuwing Miyerkoles at Biyernes.

Apparently, nasaktan ang ilang supporters ng OFW Party-list nang aking sabihin na baka hindi na sila makabalik sa Kongreso sa susunod na halalan, kung hindi papansinin ng naturang party-list ang lumalalang problema sa abandonadong balikbayan boxes sa Bureau of Customs.

Ang ilan sa mga batikos na nagpatawa sa akin ay ang alegasyon na binayaran daw ako upang siraan ang kanilang partido lalo na’t malapit na ang halalan. Oo naman maganda ang timing ng ating pagbatikos sa party-list na pinangungunahan ni Cong. Marissa Del Mar-Magsino.

But believe it or not, this is a mere coincidence nang maisipan naming tawagan si Cong. Del Mar-Magsino upang itanong kung nagpatawag na ba ito ng imbestigasyon ukol sa isyu. Ang aming pagtawag ay nag-ugat din sa sinabi ni Customs Asst. Commissioner Atty. Vince Maronilla sa amin na malaki na para sa BOC, ang problema sa abandoned balikbayan boxes.

Sinabi ni Atty. Maronilla na kinakailangan na ng isang batas na direktang magbibigay ng solusyon sa problema

Sinabi naman ng isang kritiko na mayroong daw batas o House Bill na ginawa na ng OFW Party-list noon pang 2022 nang magsimula ang problema sa abandonadong balikbayan boxes.

Ang tanong ko lang ay bakit hindi pa rin ito natatalakay sa Kongreso upang maging ganap na isang batas? Kulang yata sa push ang OFW Party-list.

83

Related posts

Leave a Comment