Halos iika-ika na, may sakit at sadyang kaawa-awa nang tignan itong si Reynaldo Aguilar, 68, pero hindi ito dahilan para hindi siya arestuhin ng Navotas Police sa kanyang pinagtataguan sa isang bahay sa Porac, Pampanga sa kasong statutory rape sa isang batang babae may tatlong taon na’ng nakararaan.
Binigyan din agad ng recognition ni City Police chief PCol Rolando Balasabas sina Warrant and Subpoena Section chief PEMS Alvin Bautista, PSMSgt Generoso Cagatiga, PCpl Mark Anthony Diaz, PCpl Jerwin Layco at NUP Maria Elisa ‘Isang’ Orsolino, asawa ng napaslang na media man na si Albert Orsolino ilang taon na’ng nagdaan, dahil sa kanilang matinding effort na ma-locate hanggang kanilang masakote itong si Aguilar sa Fatima Village, Barangay Sta. Cruz, Porac.
Kasong statutory rape sa Navotas RTC-Branch 288 ang kinakaharap ni Agui¬lar matapos s’yang ireklamo ng panggagahasa sa isang anim na taong gulang na batang babae na kanyang kalugar sa lungsod noong Marso 2016 at matapos ang insidente ay nagtago na ito.
‘Grounds for deceits’
May nakikitang probable cause o grounds for deceits ang Manila Prosecutor’s Office kung kaya kinatigan nito ang kaso na isinampa ng Broadway Motor Sales Corporation (BMSC) laban sa Nissan Philippines Inc. at ngayo’y nasa sala na ng Manila Regional Trial Court.
Kumbinsido ang piskalya na may paglabag sa Artikulo 318 ng Revised Penal Code ang huli kung kaya napunta sa Branch 30 ang kasong ‘other deceits’ na may Criminal Case No. 19-04170 at nakatakdang ma-arraign bukas (Sept. 4).
Ang mga kinasuhan, batay sa reklamo ni BMSC president Leoncio Lei Yee Jr., ay sina Ramesh Narasimhan (dating presidente at managing director ng Nissan Phils.), Jonathan Aguilar, Francis Ang, at Abner Briones.
Lumalabas ayon sa dokumento, hindi nagustuhan ng BMSC ang biglang pagtapos ng kontrata ng Nissan Phils. sa una, na ‘franchise holder’ ng huli sa bansa sa loob ng mahigit 41 taon sa kabila ng pagtupad nito sa kahilingan ng kompanya ng mga sasakyan na magsagawa ng ‘renovation’ na umabot sa P28M ang ginastos.
Ang nangyari, biglang ‘namatay’ ang negosyo ng BMSC pero malaki ang paniniwala nito ang kanilang panalo sa korte laban sa Nissan Phils.
Let’s wait and see. (Early Warning / ARLIE O. CALALO )
165