KAILANGANG SAGUTIN NG PALASYO ANG ISYU NG HUMAN RIGHTS VIOLATIONS

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Isa na namang anti-corruption na organisasyon ang bumatikos sa record ng gobyerno ng Pilipinas sa larangan ng korapsyon at paglabag sa karapatang pantao.

Para sa progresibong partidong Bayan Muna, dapat nang sagutin na ng administrasyong Duterte ang mga resulta ng pag-aaral ng Global Witness, isang international organization na nag-aaral sa kalagayan ng mga bansa sa larangan ng karapatang pantao, korapsyon, kalikasan, at iba pang mga isyu.

Sa kanilang ulat, sinabi nilang matindi ang atake na ginagawa ng mga pwersa ng estado at paramilitary groups sa mamamayan lalo na sa human rights defenders at tagapagtanggol ng kalikasan. May nakamamatay na alyansa ang burukrasya, malaking negosyo, at ang mga pwersa ng estado na sumasagasa, pumapatay sa mamamayan.

Dagdag pa, sinabi ng Global Witness, ang gobyerno ay palpak sa protekta sa kalikasan at mamamayan.

Ang ulat nila na Defending Philippines ay nagpakita kung paano pinapatay ang mga tagapagtanggol ng lupa at kalikasan—karaniwang mga katutubo, magsasaka, at aktibista—na kaugnay ng mga industriya ng coal, abribisnes, turismo, at pagmimina.

Dati nang tinagurian ang Pilipinas bilang pinakamapanganib para sa mga tagapagtanggol ng lupa at kalikasan noong 2008, na nagbunsod ng atensyon sa buong mundo hinggil sa kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas.

Ang mga malalaking negosyo tulad ng Standard Chartered, World Bank, Dole Philippines, at Del Monte Philippines ay kasabwat din sa paglabag ng karapatang pantao, ayon pa sa ulat ng Global Witness.

Para sa lider-lumad at Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat sinabi n’yang sa pamamagitan ng Global Witness report pinakita ang matinding kalagayan sa usapin ng karapatang pantao sa lahat ng panig ng bansa,tuluy-tuloy ang pamamaslang, pananakot, panghuhuli’t pagtatanim ng mga illegal na ebidensya, at maraming pang iba na hanggang sa kasalukuyan. Wala ring halos na napapanagot sa mga perpetrator. Dapat ay kagyat na maayos na sagutin ng Malacañang ang report na ito at pigilan na ang atake sa mga aktibista. (Kakampi Mo ang Bayan /  TEDDY CASIÑO)

139

Related posts

Leave a Comment