PINAALALAHANAN ni Quezon City Police District (QCPD) director P/BGen Ronnie Montejo ang mga mamamayan ng lungsod na itigil ang pagtangkilik sa mga ilegal na gawain kasama na ang sugal.
Okay ang ginawang panawagan ni Montejo at maging ang paalala nito na lahat ng uri ng sugal ay ipinagbabawal kabilan na ang madalas na nilalaro sa mga lamay at maging sa kalsada.
Okay na okay ang pinaigting na kampanya ng QCPD laban sa krimen at anumang uri ng sugal kung kaya’t nagtrabaho ang mga tauhan ni Montejo kung kaya’t nakaaresto ng 26 na sugarol sa kanilang kampanya noong Sabado.
Super Okay ang pakikipagtulungan ng mga mamamayan dahil sa report ng mga ito, kumikilos ang mga alagad ng batas upang ipatupad ang kampanya at maging ang manlalaro ng mga cara y cruz, pusoy, tong-its at video karera ay pawang inaresto.
Pinaka-Okay ay ang hindi pagpapabaya ng mga pulis sa kampanya laban sa droga bagaman nakatutok sila sa pinaigting na kampanya laban sa sugal.
Tuloy-tuloy lang ang trabaho ng mga pulis upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang areas of responsibility (AOR).
Okray naman ang isang spa sa Roosevelt Avenue sa Quezon City na nago-offer ng ‘extra service’ sa customer nito kung kaya’t sinalakay ng mga tauhan ni P/Lt.Col. Rodrigo Soriano, hepe ng Masambong Police Station, kasama ang mga tauhan ng Quezon City Business Permit and Licensing Office.
Okray na okray ang naganap na pagsalakay dahil hindi naaresto ang may-ari ng Inflorence Spa na si Ivie Estor Haller sapagkat wala ito sa establisimyento nang maganap ang pagsalakay. Tanging ang siyam na kababaihan na may edad 18 hanggang 34 ang mga tinangay upang imbestigahan.
Nanawagan na muli si P/BGen Montejo sa mga residente at mamamayan ng lungsod Quezon na ipagbigay alam sa kanyang tanggapan ang mababatid ng mga ito na ilegal na gawain.
Super okray kapag hindi pa nakipagtulungan ang mga mamamayan gayung mismong hepe na ng QCPD ang nakikisuyo sa kanila.
Pinaka Okray ay kapag nabigyan pa ng permit ng QC Hall ang sinalakay na establisimyento na front ng prostitusyon.
134