TINUTUGIS na ngayon ng mga awtoridad si Lea Marie Cruz-Torres, may-ari ng Bardagulan FB Page na nag-post ng ‘PEKENG QUOTE CARD KAY VINNY MARCOS’.
Ikaw ngayon ang mababardagul ‘pag natiklo ka ng mga pulis.
Nitong nakalipas na Biyernes, isang peke at mapanirang impormasyon na naman ang inilabas sa social media ng mga kalaban ni Marcos.
Ito ang post sa Bardagulan FB Page ni Lea Marie Cruz-Torres: ‘Sa anak na nya galing yan ha. Ngayon nyo sabihin na hindi addict ang kandidato nyo. He WAS an addict but NOT anymore. He has no plans yet about his platforms but for sure he’ll figure it out soon. Also, I have never seen him hurt a fly when he was using cocaine. He was an addict but still a good man.’
Ang post na ‘yan ni Lea Marie Cruz-Torres ay sinamahan pa ng litrato ni Vinny Marcos o William Vincent Marcos na ikatlong anak na lalaki ni BBM.
Tsk! Tsk! Tsk! Swak ka sa kulungan niyan, Dai maghanda-handa ka na, ‘di biro ‘yang ginawa mo.
Narito naman po ang pahayag ni Boy Abunda:
STATEMENT ON A FAKE QUOTE CARD
“Our attention has been drawn to a false quote card that has been circulating on social media bearing the photo of William Vincent Marcos with a statement allegedly from his interview with Boy Abunda saying that his father, presidential candidate Bongbong Marcos was an addict.
The graphic or quote card was posted with the caption, “Sa anak na nya galing yan ha. Ngayon nyo sabihin na hindi addict ang kandidato nyo,” and made it appear that the quote therein is from an interview with Boy Abunda. This is false and manipulated content.
We are aware that a lot of netizens have fallen victim to this malicious form of dangerous information and communication materials, not founded in fact, and has the potential to incite backlash against any guest, host, program, or defame their character.
We appeal to the public to stop sharing fabricated and unverified information. Thank you.” – The Boy Abunda Talk Channel.
Grabeng paninira ito sa pamilyang Marcos, hindi na sila nakuntento sa loob ng mahigit 30 taon na kanilang ginagawa, hindi pa rin sila nagsasawa hanggang ngayon.
Ganun na ba kasama ang ilan nating kababayan? Masaya ba kayo sa inyong mga ginagawa?
Noong Abril 1, 2022 nahuli na rin ng Quezon City Police District (QCPD) si Michael Go Lising na nagbanta naman sa kanyang Twitter Account na babarilin niya raw si BBM.
Nahaharap ngayon si Ogag sa kasong GRAVE THREAT IN RELATION TO R.A. 10175.
Mabuting wala kang kaso, dahil lang sa kaungasan mo ay makukulong ka.
Ay naku mga kakampon, wala kayong magagawa kung si BBM ang gusto ng taumbayan.
Kahit ano pang paninira at pananabotahe n’yo sa kanilang pamilya ay wa-epek pa rin ‘yan dahil ang paniniwala ng taumbayan ay si BBM lang ang magpapaahon sa Pilipinas.
Sa eleksyon ay paramihan ng boto, hindi kailangang lahat ng tao ay pumapabor sa kandidato kaya wala kayong magagawa kundi tanggapin n’yo nang bukal sa kalooban n’yo na mananalo si BBM.
Kayong mga hindi matanggap si BBM, ‘pag nanalo siya, umalis kayo sa Pilipinas.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.