Sobrang inis ang nararamdaman ng isang mahistrado ng Korte Suprema sa isang senior member ng Court of Appeals dahil sa ginawa nitong pagbago sa komposisyon ng kanyang iniwang tapos nang desisyon.
Ang kaso ay may kaugnayan sa kaso ng pamahalaan laban sa isang kilala at kontrobersyal na negosyante.
Plano ngayon ng mahistrado ng Korte Suprema na kasuhan itong si senior Member ng Court of Appeals (CA) dahil sa ginawa nitong pamemeke ng kanilang decision.
Ayon sa justice ng Supreme Court (SC) na bago siya naitalaga rito ay natapos na nilang resolbahin ang kaso ng kontrobersyal na negosyante at nag-division of five pa sila noon dahil sa naging pagkontra ng naturang senior member sa kanilang naging desisyon subalit nanalo pa rin sila makaraang lumabas sa kanilang botohan na 3-2.
Subalit nito lamang aniyang mga nakalipas na mga linggo nagulat na lamang itong si SC justice dahil nagkaroon ng bagong ruling sa naturang kaso at naging 3-0 pa ang naging boto gayung mayroon na silang ruling noon at nag-division of five pa nga sila papaano aniyang naging 3-0.
Baka hindi makakuha ng retirement pay itong si senior member ng CA kung makakasuhan ito ng administratibo at kriminal.
At balita ko pa mukhang ibo-boycott pa ng maraming CA justices ang nalalapit nitong retirement dahil sa ‘di magandang asal nito.
May-ari ng WellMed Dialysis Center Brian Sy makaLalaya?
Ano ba ‘yan dahil sa kabagalang kumilos ng PhilHealth at NBI ay posibleng makalaya ang itinuturong may-ari ng WellMed Dialysis Center na si Brian Sy.
‘Yan ang pangamba ng ilang mataas na opisyal ng Department of Justice.
Habang isinusulat ko ito ay wala pa rin kasing naisampang kaso ang National Bureau of Investgation (NBI) laban kay Sy na nakatakda namang dalhin sa Manila City Regional Trial Court Branch 20 dahil sa inihaing petition for habeas corpus ng mga abogado nito, kung saan iginiit na ilegal ang pag-aresto rito ng NBI dahil sa kawalan ng kasong isinampa laban kay Sy.
Si Sy kasama ang abogado nito ay nagtungo sa NBI kahapon upang pabulaanan na sangkot sila sa claims scam ng “ghost patients” na sumasailalim sa dialysis, subalit hindi na ito pinaalis sa tanggapan ng NBI dahil sa isasailalim umano ito sa inquest proceeding sa DOJ. (Pro Hac Vice / BERT MOZO)
111