BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO
UNA sa lahat gusto muna nating bumati ng Maligayang Araw ng mga Puso.
Dahil panahon ngayon ng pag-ibig ay ito rin ang tema ng ating paksa ngayon.
Para sa mga may ka-date ngayong Valentine’s Day, ang lugar na ito ang perfect pasyalan dahil sa ganda ng tanawin at mga bulaklak sa buong paligid. Ito ay ang Meraki Garden.
Ang Meraki Garden ay may mahigit 3,000 iba’t ibang varieties ng mga bulaklak na bougainvillea. Super tatanda na rin ng mga bulaklak na ito na karaniwan ay 50 years or 100 years nang naitanim.
Ang mga ito ay may serial number or birth certificate na ika nga. Galing sa iba’t ibang lugar ang mga halaman na koleksyon mula sa kung saan-saang probinsya.
Meraki is a Greek language na ang ibig sabihin daw is ‘to do something with soul, creativity, or love; to put something of yourself in your work’.
Pag-aari ang Meraki Garden ni Louvelyn Marcaida.
Nagsimula ang kwento ng Meraki Garden na maging number one pasyalan ng mga turista at ating mga kababayan sa Isabela, sa kasagsagan ng pandemya.
Dahil hindi pwedeng lumabas ng bahay ay halaman ang napagbalingan ni Ms. Marcaida kaya nagtanim siya ng iba’t ibang variety ng bougainvillea sa malawak nilang lupain na nagkataon namang nasa bungad ng kalsada. Kaya kapag nadaraanan ng mga tao ang halamanan na bagaman nababakuran ng barbed wire, ay tanaw pa rin ang magagandang mga bulaklak.
Dahil agaw-pansin sa mga tao ay maraming pumapasok at nag-uusyoso kasabay ng picture- picture o selfie at groupie.
Dahil sa pagdagsa ng mga tao ay naisipan nang maglagay ng maliit na entrance fee ng Meraki. Sa kabila nito, patuloy ang pagdating ng mga tao na humahanga sa kagandahan ng lugar kaya naisipan ni Ms. marcaida na tuluyang i-develop ang lugar.
Kaya nilagyan na ng open function place, playground para sa mga bata at nag-serve na rin ng food na sobrang sarap kaya naging number one na pasyalan ang lugar.
Pwede ring mag-host ng mga event sa Meraki like kasal, binyag, birthday or any party at any occasion. Bata man o matanda ay tiyak mag-e-enjoy sa mga korteng puso na may iba’t ibang kulay na dinesenyo sa garden.
Pwede ninyo silang silipin sa kanilang social media page upang makita rin ninyo kung gaano kaganda ang Meraki bago kayo pumunta.
Lalo pang lumaki ang venue dahil naglagay sila ng extension na may mga room at swimming pool para pwede na ring mag-staycation ang mga bisita.
Katuwang ng Meraki garden ang kanyang creative director na si Mr. Paul Aquino na nag-a-assist mismo sa mga bisita.
Kamakailan ay ginanap sa Meraki ang pictorial ng mga kandidata for Queen Isabella 2024 kung saan ang kinoronahan ay si Kristine Joy Guzman from City of Ilagan.
Ang Meraki Garden ay matatagpuan sa Napaccu Pequeno, Reina Mercedes, Isabela.
159