MOTIBO SA LIKOD NG VETO NG PANGULO

GINIMBAL ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko nang dedmahin niya ang panukalang batas na magbibigay proteksyon sana laban sa mga kriminalidad gamit ang internet na kalakip ng makabagong panahon.

Sa halip na lagdang hudyat ng katapusan ng mga promotor ng fake news, at cybercrime, “veto” ang naging tugon ng Pangulo.

Ang totoo, talamak na ang krimen gamit ang mobile phones at social media. Hindi na nga marahil batid ng cybercrime prevention agencies sa bansa ang eksaktong bilang ng mga biktima – o maging yaong mga nambibiktima. Dangan naman kasi, tanging mga idinudulog na kaso lamang ang kanilang tinutugunan.

Nakalulungkot isiping kung alin pa ang dapat aprubahan dahil sa tawag ng pangangailangan at bantang kalakip ng makabagong teknolohiya, ‘yun pa ang tinalikuran ng Pangulong ‘di mawari ang dahilan kung bakit niya tinanggihang pirmahan ang consolidated version ng batas na ipinasa ng Senado at Kamara.

Tila mas pinahahalagahan pa ng Pangulo ang mga batas tulad ng pagpapalit ng pangalan ng ­paliparan, pagdaragdag ng distritong kakatawanin ng mga kaalyado sa Kongreso at iba pang ‘di naman ganung kahalaga at akma sa panahon.

Nakapanghihinayang lang dahil ang dinedmang pagpaparehistro ng subscriber identity ­module (SIM) at social media accounts na nakapaloob sa Senate Bill 2395 at House Bill 5793, ang unang hakbang para matuldukan ang cybercrimes.

Marami ang umasang tuluyan nang magiging ligtas ang cyberspace kung saan matatagpuan ang komersyo, kalakalan, balita, palitan ng kuro-kuro, isang entablado para sa mga may talento, panagpuan ng iba’t ibang sektor at grupo at libreng komunikasyong gamit sa edukasyon, pamahalaan at iba pang tanggapan – pribado man o pampubliko.

Gamit ang ibang pangalan sa social media, malayang nagagawang makapanggantso ng mga dorobo, magkalat ng fake news ng mga propagandista, manirang puri ng iba, magpalabas ng mga kahalayan, magbenta ng mga ilegal na kontrabando tulad ng laman, baril, pekeng pera at ilegal na droga sa social media.

‘Yan mismo ang target puksain ng batas na ayaw pirmahan ng Pangulo. Katwiran ng Pangulo, wala naman daw sa orihinal na balangkas ang pagrerehistro ng social media accounts!
Ay engot… nasa social media nga ang banta!

142

Related posts

Leave a Comment