TULOY na ngayon ang Game 6 ng PBA Governors’ Cup finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco.
Nakansel ang laro sa Araneta Coliseum noong Miyerkoles makaraang magkasunog sa Big Dome, na swerteng naagapan agad.
Sa ngayon ay 3-2 na ang iskor kaya isang panalo na lang ang kailangan ng Gin Kings, habang dalawa ang kailangan ng Bolts upang makamit ang inaasam na unang titulo ng koponan sa ilalim ni coach Norman Black.
Para kay Kings coach Tim Cone, pipilitin nilang tapusin ang serye sa Game 6 dahil batid niya kung gaano kauhaw ang Meralco na gantihan sila matapos itong mabigo sa unang tatlong beses na paghaharap nila para sa titulo (2016, 2017 at 2019).
Kinuha ng Bolts ang Game 1, ngunit nakaganti ang Kings sa Game 2. Muling nakaabante ang players ni coach Norman sa Game 3, subalit rumesbak ang mga bata ni coach Tim at inangkin ang Game 4 at 5. Nasa Ginebra ang momentum papasok sa Game 6 ngunit sa ‘di inaasahang pangyayari ay kinansel ang laro dahil sa naganap na sunog sa Big Dome.
“Ayaw nating ipagsapalaran ang kaligtasan ng fans, ng players at game staff,” paliwanag ni PBA Commissioner Willie Marcial sa ‘Sala sa Init, Sala sa Lamig’ nang aming makausap.
Maraming fans ang umaasang matutuloy na ang game sa pagitan ng dalawang koponan. Matatandaan na sell-out crowd ang Game 5 sa Araneta, na labis na ikinatuwa ng liga at mga opisyal nito.
Samantala, hindi man natuloy ang laro noong Miyerkoles ay hindi nagpapigil ang Meralco at nagpractice bilang paghahanda sa inaasahan nilang matinding ‘giyera’ kontra crowd-favorite Ginebra.
Para kay Ginebra guard Scottie Thompson, tinanghal na Best Player of the Conference, pipilitin nilang ‘di na paabutin sa Game 7 ang serye. “To close out a series is very tough. But we’ll not look
back, nor will we look forward. We’ll focus on the game at hand.”
Kabaligtaran naman ang nais ni Meralco shooting guard Allein Maliksi. “Our mindset is: Let’s win this game then let’s do it again on Game 7. More than ever, we’re motivated. We’ll give it our best shot.”
127