SI Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan ay isa sa tatlong kandidato upang maging hepe ng Philippine National Police (PNP).
Ang dalawa pa ay ang “mistah’ niya sa Philippine Military Academy (PMA) ‘86 na si Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa na sa ngayon ay officer-in- charge ng PNP at si Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo, hepe ng PNP directorial staff.
Si Eleazar ay miyembro ng PMA class ‘87.
Nanganganib na masilat si Cascolan na maging PNP chief kapag nasilip ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang naging papel ng hene-ral sa pagpapalabas kay Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog nang walang pahintulot ang Quezon City Regional Trial Court (QC–RTC) noong Nobyembre 12, 2018.
Sinalag ni Gamboa sa batikos ng media si Cascolan nang sabihin nito na ang TCDS (The Chief Directorial Staff) ang mayroong kapangyarihan magpalabas ng sinumang bilanggo mula sa PNP Custodial Center ngunit kailangang may kautusan mula sa korte.
Ang TCDS noong pa-nahong iyon ay si Cascolan kaya luma na ang anomal-yang ito.
Naungkat lamang ito ngayon nang pagpaliwa-nagin ni QCRTC Branch 228 Judge Mitushealla Manzanero-Casiño nitong Disyembre 17, 2019 ang warden ng PNP–CC at mga abogado ni VM Parojinog hinggil sa pagpapalabas sa bise–alkalde mula sa PNP– CC sa Camp Rafael Crame noong Nobyembre 12,2018 kung saan nadalaw ni VM Parojinog ang kanyang kapatid na si Reynaldo Parojinog Jr. sa kulungan sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan sa Taguig nang walang kautusan mula sa nasabing judge.
Ang magkapatid na Parojinog ay nahaharap sa mga kasong kriminal tungkol sa ilegal na droga at ilegal na mga baril.
Nakarating kay Judge Casiño ang ilegal na pagpapalabas kay Parojinog sa pamamagitan ng mos-yon ng prosekyusyon sa QC RTC Branch 228 hinggil sa pagtutol nito sa pagpapalabas kay VM Parojinog nitong Disyembre 23, 2019 upang muling dalawin ang kanyang kapatid sa kulungan ng BJMP sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Naniniwala akong hindi lang dapat ang PNP ang magsagawa ng imbestigasyon na siyang ipinag-utos ni Gamboa, kundi si Sec. Año rin mismo ang mag-imbestiga, sapagkat si Cascolan ay nakalinya sa pagiging PNP Chief.
Wala akong masamang tinapay kay Cascolan sapagkat wala namang nagagawang masama ang heneral laban sa akin o sa aking pamilya, lamang ang punto ko ay ang kanyang partisipasyon sa paglabas ni VM Parojinog mula sa kulungan bagama’t walang kautusan.
Tumawag o magtext lang po kayo sa 09985650271 (BADILLA NGAYON / Ni Nelson Badilla)
248