PAGPAPASARA NG KAPA TAMA O MALI?

PRO HAC VICE

Kapa mula sa “kabu-padatuon”, meaning mahihirap payayamanin.

Maituturing nga bang tama o maling aksyon ang nagawa ni Pangulong Duterte nang ipasara nito ang KAPA International Community Ministry, Inc.?

Kung pagbabatayan kasi natin ang mga lumalabas na report, sinasabing tatlong taon nang gumagana ang operas­yon ng KAPA at wala ni isang reklamo na lumutang sa nasabing panahon, na naloko sila o nabiktima.

Saan ka makakakita na ‘yung mga sinasabing biktima umano ng pyramiding scam ng KAPA ay siya pang nanawagan kay Pa­ngulong Duterte na huwag nitong pakialaman ang operasyon ng KAPA at huwag itong ipasara dahil sandigan ito ng mga mahihirap.

Ayan tuloy nanawagan na ang mga miyembro ng KAPA kay Senador Antonio Trillanes na ipa-impeach ang pangulo.

Nagkaroon tuloy ng kakampi si Trillanes na nasa halos limang milyong KAPA member.

Pangulong Digong, baka mayroong maunsyaming pangarap dahil sa ginawa mo?

Kung totoong nasa limang milyon ang miyembro nito, i-multiply na lamang sa dalawa, 10 milyong boto ang katumbas.

Isip-isip baka mali ang mga ibinulong sa pangulo.

oOo

Sisimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang pagdinig sa kasong may kaugnayan sa P1.8 bilyong illegal drug shipment na isinampa ng Philippine Drug Enforcement Agency sa DOJ laban sa may 16 na mga akusado.

Sa ipinalabas na subpoena ng panel of prosecutors sa pangunguna ng chairperson nito na si Senior Assistant State Prosecutor Clarisa Kuong at mga miyembro na sina Assistant State Prosecutor Rodan Parrocha at Noel Antay pinadadalo sa darating na July 5 at 10 ganap na alas-2:00 ng hapon ang respondents na sina Xu Zhi Jian alyas Jacky Co at brother Do­n­g-an Dong, Julie Hao Gamboa, Fe Tamayosa, Alvin Bautista, Jane Abello-Castillo, Carlo Dale T. Zueta, Abraham B. Torecampo, Arwin P. Caparros, Leo­nardo S. Sucaldito, Mark Leo D. Magpayo, Brian Pabilona, Meldy Sayson, Rhea Tolosa, Edgardo Dominado, Jerry Siguenza at Debbie Joy Aceron.

Upang harapin ang kasong paglabag sa Section 4 Article II ng Republic Act 9165.

Hindi na ba talaga tayo malilinis sa droga, lagi na lang ba talagang bagsakan ng kontrabando?

Oo nga pala ‘di lang pala ilegal na droga kahit nga pala basura bagsakan na rin ang ating bansa. (Pro Hac Vice /BERT MOZO)

99

Related posts

Leave a Comment