SY, 2 WHISTLEBLOWER SA FAKE DIALYSIS CLAIM KINASUHAN NG DOJ

philhealth12

(NI HARVEY PEREZ)

KINASUHAN na ng Department of Justice (DoJ) sa Quezon City Regional Trial Court ang co -owner ng WellMed Dialysis na si Dr. Bryan Sy at dalawang whistleblower dahil sa   pagkakasangkot sa “ghost dialysis” claim  sa Philippine Health Insurance Corporation(PhilHealth).

Kasama sa kinasuhan ng  17 counts ng  estafa through falsification of public documents in violation of the Revised Penal Code (RPC) ni Sy sina  whistleblowers  Edwin Roberto at Liezl Aileen de Leon.

Inirekomenda ng DoJ prosecutors na magpiyansa ng tig P72,000 para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Ang kaso laban sa tatlo ay isinampa ng DoJ sa korte  noong Lunes ng hapon.

Una nang  nagpalabas ng resolusyon noong Biyernes si DoJ Senior Asst State Prosecutor Anna Noreen Devanadera.

Nabatid na si  Sy ay nakapaglagak na ng piyansa noong Sabado sa Manila Metropolitan Trial Court.

Ang kaso laban sa  tatlo ay i-ra raffle para sa paglilitis kung saan ang korte ang magdedetermina kung papasa sa Witness Protection Program (WPP) si de Leon at Roberto.

Habang isasailalim naman sa preliminary investigation ng DoJ ang iba pang opisyal ng WellMed na sina  Claro Sy, tatay ni Sy; asawa nitong si ’Therese Francesca Tan-Sy; Dr. John Ray Gonzales; Alvin Sy; Dick Ong; Dr. Porsha Natividad; at Dr. Joemie Soriano.

 

98

Related posts

Leave a Comment