PANAHON NA PARA MAGTIPID NG KURYENTE AT TUBIG

SA GANANG AKIN

IDINEKLARA ng PAGASA ang opisyal na pagdating ng panahon ng tag-init noong ika-22 ng Marso. Ayon dito, mas maaga ang naging pagdating ng pa¬nahon ng tag-init kumpara noong nakaraang taon. Ang opisyal na pagpapalit ng klima noong nakaraang taon ay inanunsyo noong ika-10 ng Abril. Ito raw ay bunsod ng El Niño na ina¬asahang lalala pa sa mga susunod na buwan.

Patuloy ang PAGASA sa paghimok at pagpapaalala sa mga tao ukol sa pagda¬ting at paglala ng El Niño. Sa kasalukuyan, nanatili ang PAGASA sa El Niño Advisory Stage. Ito ang sinasabing pinakahuling balitang bago idineklara ang tulu¬yang paglala ng El Niño. Sa paglala ng El Niño, matatagalan ang pagdating ng tag-ulan. Maaari itong tumagal hanggang Agosto 2019. Hihina ngunit hindi mawawala hanggang Disy-embre 2019 base sa prediksyon ng PAGASA. Mula sa karaniwang 20 na bagyo, ang tinatayang bilang na papasok ngayong taon ay bumaba sa 14 hanggang 18 na bagyo na lamang.

Kailangang paghandaan ng bansa ang mas mainit na panahon ng tag-init dahil ito ay mas magtatagal ngayong taon. Kasabay ng krisis sa supply ng tubig, isa lang ang malinaw – kailangan nating tipirin ang paggamit ng ating mga pangunahing pangangailangan gaya ng tubig at kuryente.

Sa kasalukuyan, nananatili ang La Mesa Dam sa kritikal na lebel. Sa katuna¬yan, maaaring maabot ng La Mesa Dam ang maitatalang pinakamababang lebel nito sa loob ng 21 taon dahil sa patuloy na pagbaba nito. Sa ibang banda, ang ibang dam din ay nakikitaan na rin ng pagbaba ng lebel ng tubig. Sa pahayag ni PAGASA Hydrologist Danilo Flores, ang lebel ng tubig ng Angat Dam ay bumababa ng 41cm kada araw. Dito kinukuha ang 97% ng supply ng tubig sa Metro Manila. Mukhang hindi malayong mas lumala pa ang kasalukuyang krisis sa supply ng tubig bunsod ng sitwasyon ng mga dam sa bansa.

Muli, nais kong linawin na hindi dahil kasama ang tubig sa pinagkukuhanan ng supply ng kuryente sa bansa ay nangangahulugan na magkakaroon din ng krisis sa supply ng kur¬yente. Masyadong maliit ang porsyento ng ating supply ng kuryente na nanggagaling sa tubig para ito ay makaapekto sa supply ng kuryente sa bansa. Bunsod ng dalang init ng El Niño, ina¬asahang magreresulta rin ito sa pagtaas ng kon-sumo sa kuryente. Kapag tumaas ang konsumo sa kuryente, tataas din ang buwanang bayarin nito.

Dahil sa inaasahang mas mainit na panahon, malamang ang karamihan ay gagamit ng mga bentilador sa loob ng mas matagal na oras kumpara sa karaniwang tagal ng paggamit nila ng mga ito. Hindi lamang bentilador kundi pati mga aircon ay malamang gagamitin ng mas matagal. Maaari pang makadagdag sa pagtaas ng konsumo ngayong mga susunod na buwan ay ang bakasyon ng mga estudyante. Ibig sabi-hin, mas maraming tao ang nasa bahay at mas marami ang gagamit ng kuryente. Pati ang mga kagamit-an gaya ng desktop computer, laptop, gaming console, at telebisyon ay maaaring magamit ng mas madalas at ng mas matagal. Sa mada¬ling salita, malaki ang posibilidad na tataas ang konsumo sa kuryente. Upang makaiwas sa mataas na bayarin sa kuryente ngayong panahon ng tag-init at El Niño, hinihikayat ng Me¬ralco ang lahat, hindi lamang ang aming mga customer, na ugaliin ang masinop at matalinong paggamit ng kuryente.

Sa isang panayam ay binigyang diin ni 1-Care Party-list Representative at Vice Chair ng Committee on Energy na si Rep. Carlos Roman Uybarreta na dapat paghandaan ng lahat ng mga institusyong nag-susupply ng kuryente ang nakaambang pagtaas ng demand sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar lalo na’t panahon na ng tag-init at magkakaroon pa ng eleksyon sa Mayo. Dahil sa mga nabanggit na kaganapan, inaasahang ang mga tao ay uuwi sa kani-kanilang probinsya para bumoto at ang iba naman ay dadayo upang magbakasyon. Ang pagsiguro na matutugunan ng mga electric cooperative ang luma-laking demand sa kuryente sa kanilang mga lugar na nasasakupan ang isang bagay na dapat tutukan ayon kay Uybarreta. Mungkahi niya, “Need for electricity in Metro Manila and other urban areas would somewhat ease with the temporary migration of many to the countryside, but that same demand will shift to the hometowns and could test the limits of power and water reserves over there, especially in districts where there have been rotating brownouts.”

Ilan sa mga tip ukol sa matalino at masinop na paggamit ng kuryente ay ang mga sumusunod: 1) I-set sa dalawa o tatlong oras lamang ang paggamit ng aircon at buksan ang bentilador upang magpatuloy ang pag-ikot ng malamig na hangin sa silid; 2) I-set sa medium cold ang aircon dahil maaaring makakatipid ng 5% hanggang 8% sa konsumo; 3) Ugaliing bunutin sa pagkakasaksak ang mga kagamitang de kuryente na hindi naman ginagamit upang makaiwas sa tinatawag na phantom load o ang stand-by na kuryente na kahit hindi nagagamit ay dumadagdag pa rin sa konsumo; 4) Patayin ang mga ilaw sa mga silid na walang gumagamit o walang tao; 5) Buksan lamang ang ilaw sa loob ng bahay sa pagsapit ng di-lim.

Ilan lamang yan sa mga tip na maaaring gawin upang makatipid sa konsumo ng kuryente. Para sa mas marami pang tip, maaaring bisitahin ang aming website www.meralco.com.ph. Maaari ring bisitahin ang aming Twitter at Facebook page na may pangalang @Meralco.

Ngayong panahon ng tag-init, nawa’y ugaliin nating maging masinop at matalino sa paggamit ng tubig at kuryente para kung paano tayong matalinong boboto sa darating na eleksyon ngayong Mayo. Ang ating pagkakaisa ay maaaring makalikha ng malaking pagbuti sa ating kasalukuyang sitwasyon. (Sa Ganang Akin / Joe Zaldarriaga)

302

Related posts

Leave a Comment