PANALO SI DATING DSWD SEC. ERWIN TULFO

TARGET NI KA REX CAYANONG

HINDI maitatanggi na nananatili at mananatili pa ring pinaka-ultimong sukatang pulitikal ang halalan na patas, maayos at tapat.

Ito ay sistema at paraan para sukatin kung hanggang saan ang nagawa ng mga nakaupo sa posisyon.

Maaari ring masukat kung maipagpapatuloy pa nila ang panunungkulan, depende sa magiging kalalabasan ng eleksyon o tatapusin na ang kanilang pangungunyapit sa poder.

Sa national o local positions man, ang kanilang kapalaran sa pulitika ay huhusgahan ng nakararaming mga tao sa pamamagitan ng pagboto.

Nariyan nga lang ang mga kasong panggigipit laban sa mahuhusay na mga lingkod-bayan.

Ginagamit ang mga kaso o petisyon para hindi makatakbo at mapigilan ang kandidato sa kanyang kandidatura at maalis ang pangalan sa mga iboboto kapag may eleksyon.

Parang ganyan ang kaso laban kay dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo.

Subalit hindi nagtagumpay ang nagpetisyon laban kay Tulfo.

Hindi kasi pinaboran ng Second Division ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon na ipa-disqualify si Tulfo bilang kinatawan ng ACT-CIS Party-list.

Batay sa resolusyong inilabas ng Comelec, hindi na raw dapat naghintay ang petitioner na si Atty. Moises Tolentino na humalili si Tulfo sa third nominee na si Jeffrey Soriano makaraang mag-resign sa puwesto.

Paglilinaw ng poll body: “To file a petition for disqualification, petitioner should not have waited for the time when third nominee, [Soriano], to have resigned and for respondent, as fourth nominee, to fill up the vacancy.”

Kung matatandaan, noong Marso ngayong taon ay sinuspinde ng Comelec ang proklamasyon ni Tulfo bilang nominee ng ACT-CIS bunga pa rin ng petisyon ng abogado.

Kuwestiyunable raw ang citizenship ni Tulfo habang binanggit din ang “conviction by final judgment of a crime involving moral turpitude.”

Sinasabing may lima pang araw si Tolentino para maghain ng motion for reconsideration para sa nasabing usapin.

Abangan ang susunod na kabanata!

438

Related posts

Leave a Comment