PARA SA SERBISYONG MAKADIYOS AT MAKATAO: TEAM COLLAB AT ANG BAGONG YUGTO NG TANAUAN

TARGET NI KA REX CAYANONG

ANG serbisyong tunay na may prinsipyong ipinakita ng Team CollAb, sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at City Administrator Wilfredo “Dodong” Ablao, ay higit pa sa inaasahan ng mamamayan ng Tanauan.

Ang kanilang walang pag-aalinlangang paninindigan para sa kapakanan ng mga Tanaueño ay pormal nang pinagtibay sa naganap na induction ceremony kamakailan, kung saan ang bawat isa ay nangako ng maka-Diyos at makataong paglilingkod.

Sa bawat hakbang at desisyon ng kanilang pamumuno, makikita ang pagpapahalaga sa batas at sa karapatan ng mamamayan.

Kasama si Kons. Tirso Mercado Oruga, ang dedikasyon ng grupo ay malinaw, ang pagsulong ng isang mas maliwanag na bukas para sa Lungsod ng Tanauan. Ang kanilang mga plano ay hindi lamang pangarap; ito’y mga konkretong hakbang tungo sa kaunlaran.

Sa pamamagitan ng serbisyong prinsipyado, binibigyan nila ng tunay na kahulugan ang pagbibigay-serbisyo sa bayan—isang serbisyo na hindi makasarili kundi para sa bawat Tanaueño.

Ang pagkakaisa ng pamahalaang lokal ay hindi matatawaran. Sa likod ng bawat proyekto at inisyatiba, kasama sina 3rd District Representative Congresswoman Maitet Collantes at Atty. King Collantes, ay makikitang nagkakaisa ang kanilang layunin, ang itaguyod ang progreso at ang pagkakaisa ng lungsod. Ito ang Team CollAb—isang samahan na nagpapatunay na ang lakas ng Tanauan ay nakasalalay sa solidong pamumuno at tapat na paglilingkod.

Ngunit hindi dito nagtatapos ang laban para sa serbisyong tapat. Kamakailan ay naghain na ng kandidatura si Kons. Rene “Eboy” Pia Alcantara, kasama ang buong puwersa ng “Tanauan As One,” sa pamumuno pa rin ni Mayor Nelson “Sonny” Collantes at Vice Mayor Ablao. Ang kanilang kampanya ay hindi lamang laban sa oposisyon kundi laban sa kahirapan, sa kakulangan ng oportunidad, at sa anomang hadlang na naglalayo sa mamamayan mula sa kaunlaran.

Ang kanilang mga programa ay naghahangad ng isang mas progresibong Tanauan—isang lungsod na bukas sa pagbabago, at sa pag-usbong ng isang mas maunlad na hinaharap.

Ang kanilang misyon ay hindi lamang isang personal na adhikain, kundi isang pangako sa bawat Tanaueño na isusulong ang serbisyong tapat, patas, at makatao.

Sa bawat indibidwal na bumubuo ng Team CollAb, makikita ang malasakit, hindi lamang sa papel ng pamumuno kundi sa mga aksyon nilang konkretong nagbibigay-pag-asa.

Sila ang mga lider na handang sumuong sa mga hamon ng makabagong panahon para sa kapakanan ng bawat pamilya, bawat kabataan, at bawat mamamayan ng Tanauan.

Tunay ngang nakahanda na ang lungsod para sa bagong yugto ng progreso.

Sa pamumuno ng Team CollAb at ng mga kandidatong gaya ni Kons. Alcantara, mayroong liwanag na nag-aabang para sa mga Tanaueño.

Tuloy ang laban para sa isang mas maliwanag at mas makabuluhang Tanauan—isang lungsod na pinagkakaisa ng mga lider na tapat sa kanilang pangako ng pagbabago!

28

Related posts

Leave a Comment