Tuloy na tuloy na ang pagdiriwang ng Araw ng Pasasalamat sa OFW ngayong araw ng Biyernes, July 12, na gaganapin sa Grandstand sa loob mismo ng Camp Aguinaldo sa EDSA, Quezon City.
Ang pagdiriwang na ito ay para sa lahat ng OFW, dati at mga bago pa lamang na magiging OFW at pati ang mga kapamilya nito.
Ito ay dadaluhan mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kung kaya ang lahat ay inaanyayahan na dumalo upang personal na makasalamuha ng pangulo ang ating mga Bagong Bayani.
Nagsama-sama ang iba’t ibang departamento ng ating gobyerno katulad ng Philippine National Police, Department of Labor and Employment, Overseas Workers Welfare Administration, Department of Foreignt Affairs, Department of Trade and Industry, TESDA, NBI at iba pa.
Isa mga mga magaganap mula ika-8:00 ng umaga ay ang Job Fair kaya magdala ng mga dokumento na kakailanganin para sa pag-apply ng trabaho.
Katulad ng nauna nang inanunsyo sa social media, magkakaroon ng pagkakataon ang OFWs na manalo ng house & lot, motorsiklo, scholarship at marami pang ibang papremyo.
Ang lahat ng dadalo ay hinihikayat na dumaan sa Gate 1 sa may Boni Serrano Ave. at kailangan na makarating sa loob ng Camp Aguinaldo mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali dahil matapos ang oras na ito ay isasara na ang pintuan bilang paghahanda naman sa pagdating ni Pangulong Duterte.
Bilang seguridad, ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang matatalim na bagay at backpack bag.
Minumungkahi rin na magdala ng anumang patunay ng pagiging OFW upang mapasama sa raffle ng lupa at bahay.
Ang Araw ng Pasasalamat ay sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at ng mga samahan ng OFWs. Ito ay pinangunahan nina PBGen Rhodel O. Sermonia (PNP-Global Police Community Relations), Gemma Sotto (DDS Global), Dr. Chie Umandap at Marcia Sadicon ng (AKOOFW), Lucy Sermonia (CLADS), Cesar Gervacio (Royal Guardians Brotherhood), Dang Mangalino (MRRD), at Zeny Concepcion (Alliance of OFW). (Ako OFW / DR. CHIE LEAGUE UMANDAP)
381