Mukhang aabutan na ng kamay ng batas si Sen. Antonio Trillanes. Si Trillanes ay avid critic ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, maging noong ito’y tumatakbo pa lamang sa pagka-pangulo.
Marami itong hamon, katulad ng mga umano’y secret bank account ng pangulo at mga miyembro ng kanyang pamilya. Subalit walang tumumpak sa mga akusasyon nito kaya naman mabilis ding bumulusok ang kredibilidad nito bilang public official.
Inakusahan pa ito ni dating Sen. Johnny Enrile na isang traydor sa bayan dahil sa umano’y mga backdoor dealing nito sa bansang Tsina na hindi nalalaman ng liderato ng Senado. Napatsismis pa nga sa mga kapihan sa Metro Manila na ibinenta ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa pamamagitan ni Trillanes ang Scarborough Shoal.
Sa paglabas ng serye ng mga Bikoy video naman nitong nakaraang midterm elections, nahalata rin ang kamay ni Trillanes, at kalaunan nga ay inamin ni Peter Joemel Advincula na umaming siya si Bikoy sa mga serye ng video na pinamagatang Ang Totoong Narcolist na nag-implika sa pangulo at mga miyembro ng pamilya nito at maging ng kanyang confidante na ngayon ay elected senator Bong Go.
Inamin ni Advincula na sa tulong ilang mga pari at mga miyembro ng Liberal Party sa pangunguna ni Trillanes ay ginawa nila ang serye ng mga video upang was akin sana ang administration candidate sa midterm election at pabagsakin ang administrasyon ni Duterte.
Sa kanyang talumpati naman sa Senado, inamin ni Trillanes na nakilala niya si Advincula at ito nga ay nasa proteksyon ng ilang mga pari. Sa madali’t salita, kumpirmado ang pinagsasabi ni Advincula na maaaring may kinalaman ang dilawan at mga pari sa serye ng mga mapanirang video.
Sa isang text message sa inyong lingkod ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manny Luna, sinabi ng anti-corruption official na nahaharap nga si Trillanes sa maraming kaso.
Ito ang nilalaman ng text message ng ating idol na matapang na Commissioner Luna: “Trillanes may face multiple charges in addition to a possible inciting to sedition rap in connection with the Bikoy videos, for his recycled and malicious accusation against the first family.”
“Saying that certain account deposits are linked to some members of the first family constitutes graft under Section 3 (e) of Republic Act 3019 and inciting to sedition under Article 142 of the Revised Penal Code,” pahayag pa ni Commissioner Luna. (For the Flag / ED CORDEVILLA)
192