Misyon Aksyon, nabasa ko po ang kolum ninyo sa SAKSI Ngayon noong June 8, 2019 na may titulong “Retention ng sub-contractor ibalik.”
Totoo po, katunayan nais ko ring magreklamo dahil malaki rin ang back fee retention ko mula nang umpisahan ang pabahay ng gobyerno noong 2016 na ang developer ay ang Atlantica Realty Development Corporation.
Totoo po, wala pa ka¬ming natatanggap na 10% retention at clean up retention na kinaltas mula sa aming lingguhang billing ng aming weekly accomplishment sa bawat unit na a¬ming kontrata na labor basis.
Halos lahat ka¬ming mga subcontractor ng Atlantica na siyang kontraktor ng NHA pabahay ng gobyerno sa Mapulang Lupa Pandi, Bulacan na may kabuuang 1,600 units ay wala pa pong ibinabalik na retention hanggang ngayon.
Bawat unit na aming kontrata na labor basis lamang ay umaabot lamang sa 21-K kada yunit na talagang subsob ang pre¬syo, ngunit pinagtiyagaan namin kaysa walang trabaho ang aking mga tauhan.
May habol po ba kami rito? Kasi wala kaming pinanghahawakan na katunayan na nagsa-subcontract kami.
Katunayan po tambak na po ang aming bil¬ling na siyang basehan kung magkano ang a¬ming tinatanggap na ang pinakamababang billing ay 5-K na umaabot din sa 55-K ang isa sa pinakamataas na weekly billing ko po sa mga unit na ginagawa.
Ang masaklap po nito hindi po natapos ang ibang unit na kinontrata namin dahil nilusob ito ng mga KADAMAY na siyang nag-okupa sa mga unit na kasalukuyang sila ang mga nakatira na daang mga miyembro sila na rin ang nagpatuloy at nagbubong ng kanilang mga unit.
Misyon, itago ninyo ako sa pangalang Bikolano kasi isa sa nagsa-subcontractor hanggang sa kasalukuyan, ako ang nagpapatuloy baka pag-initan nila ako. Sana’y matulungan ninyo kaming maipaabot kay Pangulong Duterte ang a¬ming karaingan.
Tinatawagan: Pangulong Duterte, Mayor-elect Enrico “Rico” Roque, NHA Housing Gen. Manager at Atlantica Realty Development Dr. Edgardo Francisco, at Architect Manny.
Mga sir, maaari po bang pakitulungan ang mga subcontractor na ito na siyang nagtayo ng mga housing sa Mapulang Lupa Pandi Bulacan na proyekto ng national government at NHA.
Makikipag-ugna¬yan po tayo sa mga ki¬naukulan upang maibalik ang inyong retention back fee at clean up fee.
Bukas po ang aking kolum para sa inyong pa¬nig at kapaliwanagan. Note: Problema sa SSS, GSIS, PAG-IBIG homeowners at iba pa. Cellphone no. smart 09420874863/ 09755770656 EMAIL ADDRESS: Misyonaksyon@yahoo.com / arnel_petil@yahoo.com / arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / Arnel Petil)
135