SAMAHAN NG MGA NEGOSYANTE PAPUNTA SA SERBISYO PUBLIKO

Bizzness Corner ni JOY ROSAROSO

SANA marami pa ang ganitong samahan na maganda ang advocacy para makatulong sa sambayanang Pilipino o sa buong bansa para sa mga nangangailangan kagaya ng samahan ng Lions Club International. Noong 1917, si Melvin Jones, bilang isang business leader, ay hinimok ang kapwa niya mga negosyante na magtayo ng samahang nakapokus sa pagtulong sa komunidad na kinabibilangan kaya’t isinilang ang Lions Club International

Sa Buong Pilipinas, may siyam na distrito ang Lions Club International at sa October 22, taong kasalukuyan, ipagdiriwang ang 41st Anniversary and 42nd Induction Ceremony ng Lions Club International District 301 dito sa Okada Manila kung saan hihirangin bilang District Governor si Atty. Harold T. Taguba, bilang First Vice District Governor si Atty. Chito Dimaculangan, at bilang Second Vice District Governor si Tess Pronto Andaya.

“Sa pagbabalik natin sa dating normal mula sa limitadong pagkilos nang dahil sa pandemya, ating suportahan ang Lions Club International sa theme na ‘Changing the World’, sama-sama nating pagtulungan ang pagbibigay ng serbisyo sa kapwa natin Pilipino na nangangailangan dahil walang imposible kung tayo ay nagkakaisa,” pahayag ni Atty. Taguba.

201

Related posts

Leave a Comment