SINA SEN. BONG GO, CONG. AMANTE, AT MAYOR VIOLAGO

TARGET NI KA REX CAYANONG

RAMDAM na ramdam ng mga taga-Laguna ang serbisyo ni Congressman Loreto “Amben” Amante ng 3rd District ng lalawigan.

Katunayan, walang tigil si Amante sa pag-iikot sa kanyang nasasakupan para tingnan ang mga pangangailangan ng mga ito.

Kamakailan nga, siya ang nanguna sa pamamahagi ng medical at burial assistance sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Nasa 401 residente sa ikatlong distrito ang inisyal na nagbenepisyo rito.

“Nagkaroon ng katuparan ang programa sa tulong ni House Speaker Hon. Ferdinand Martin Romualdez. Katulong ng ating idol si Third District First Lady Madette Amante at Bokay Yancy Amante sa San Pablo City Central School Gymnasium, lungsod ng San Pablo[ay naging matagumpay ang aming pamamahagi ng tulong at pagsasagawa ng pa-raffle,]” ayon sa tanggapan ni Amante.

Ito’y matapos ang pamimigay nila ng tulong kung saan ay nag-uwi ng tig-iisang kabang bigas ang 10 masuswerteng nanalo sa raffle.

Nabatid na panibagong batch ng TUPAD Beneficiaries na humigi’t kumulang 1,000 residente mula sa mga bayan ng Nagcarlan, Calauan, Alaminos, Liliw, Victoria at lungsod ng San Pablo ang sumailalim sa orientation at contract signing kamakailan.

Kung hindi ako nagkakamali, ang TUPAD naman ay programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ni Amante sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO) ng bawat bayan ng ikatlong distrito.

“Kasamang namahala sa orientation ang mga PESO Managers na sina Ma’am Glenis Romuga ng Calauan, Ma’am Louela Fajardo ng Alaminos, Sir Pedrito Bigueras ng San Pablo City, Sir Walrie Geradura ng Victoria, Sir Elgine Cardonigara ng Liliw at Nagcarlan PESO staff Ms. Maridee Comendador,” pahayag ng kampo ni Amante.

Samantala, kaliwa’t kanan naman ang mga proyekto at programa ni Mayor Mark Cholo Violago ng San Rafael, Bulacan.

Isa sa mga proyekto niya ay ang San Rafael Super Health Center at iba pa, katuwang si Sen. Bong Go.

“Kasalukuyang isinasagawa ang groundbreaking ceremony ng San Rafael Super Health Center sa pangunguna ng ating punong bayan…at ng ating butihing Senador Bong Go,” ayon sa statement ng tanggapan ni Violago.

Napag-alaman na ang itatayong gusali ay magkakaroon ng mga pasilidad at mga kagamitang magbibigay-daan sa modernong pag-aaruga at pagsusuri na tiyak na pakikinabangan ng mga mahihirap nating kababayan sa nasabing bayan.

Balita nga, aba’y magiging sentro rin ito ng pangangalaga sa kalusugan na magkakaloob ng mas malawak na saklaw ng health services sa bawat San Rafaeleño.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

119

Related posts

Leave a Comment