TAGUMPAY NG BANSA

FOR THE FLAG

Bayanihan Federalism ang maghahatid ng tunay na pagbabago. Mababaklas na ang unitary system of government na nagpapahirap sa mamamayan at playground ng oligarkiya.

Pag-asenso ng bawat Filipino ang hatid nito dahil malaking porsyento ng buwis ay maiiwan na sa lokal na pamahalaan. Ang political dynasty ay mabubuwag na rin sa ilalim nito.

Dahil sa matagal na pagkakasailalim ng bansang Pilipinas sa kolonyalismo, animo’y nakalimutan na ng mga Filipino kung paano ba ang mabuhay ng tunay na malaya. ‘Yan ang babaguhin ng pederalismo, ibabalik tayo sa estado ng marangya at kasiyahan na ating karanasan bago tayo natunghayan ng mga Kastila.

Ang kahirapan na dala ng mga Kastila ay naiwan sa atin kahit pa nga matagal na silang napatalsik sa bansa dahil namana ng oligarkiya ang istratehiya at taktika ng mga banyaga.

Ang oligarkiya, bagaman sarili nating mga kababayan ay minana ang pagkaganid at mentalidad na ang populasyon ng mga Filipino ay mga “indio” at nararapat lamang na manatiling mga utusan o gamit nila.

Ang pag-draft sa Bayanihan Federalism na pinangunahan ni dating Supreme Court Justice Reynato Puno ang nasipat na panlansag sa oligarkiya.

Sinusugan naman ito ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng Memorandum Circular 52 na lumilikha sa interagency task force para sa public information drive na nagsusulong ng federalism at constitutional reforms.

Tunay na ito ay susi sa pag-asenso ng bansa at hatid na masolusyunan ang pumapalawig na pagkakalayo ng kita ng iilan kum­para sa mga ordinaryong mamamayan.

Ito na ang sagot upang mapahina ang kontrol ng oligarkiya sa pamahalaan, ekonomiya at pagnenegosyo at upang mapaigting ang kapangyarihan ng mamamayan sa pamamagitan ng pag-eestablisa ng mga Federated Region na makatatamo ng power-sharing sa National Federal Government.

Sa ilalim nito ay magkakaroon ng mas malaking pondo ang mga rehiyon at hindi na makokopo ng isang naghaharing pamahalaan o unitary o centralized government. Nasa 50% na lamang ang mapupunta mula sa kita ng mga Federated Region papunta sa National Federal Government at ang 50% o higit pa ay maiiwan at mapupunta na sa Federated Region upang maipantustos nito sa kani-kanilang mga programang pang-asenso.

Para sa sumbong at reaksyon, mag-email lamang sa filipinoleagueofadvocates@gmail.com. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

134

Related posts

Leave a Comment