TARGET NI KA REX CAYANONG
TILA wala pang nakikitang “sense of fairness” si suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa imbestigasyon sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Una nang tinukoy ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Teves bilang posibleng main mastermind sa pagkamatay ni Degamo.
Kaya nagdadalawang-isip daw siyang umuwi.
Mahirap nga naman ang ganoon. Nangangamba siya sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.
Kumbaga, may previous statements na kasi si Remulla na may kinalaman daw siya sa kaso.
Kaya hindi magiging patas, sa palagay ni Teves, ang imbestigasyon.
Kung maaalala, sinilbihan ng House of Representatives si Teves ng 60-day suspension order bunga ng hindi niya pagdalo sa congressional proceedings sa kabila ng expired travel authority.
“[Ka]pag nakita ko na may fairness, there is a sense of fairness, baka umuwi na ko. I might consider it. What will show me a sign of fairness? Ang dami nilang pinapa-renew na kaso na ang tagal na,” sagot ni Teves nang matanong ng media kung ano ang makakapagpauwi sa kanya.
Sabi pa ng suspendidong kongresista: “Tanong ko ngayon, bakit hindi nila i-review ang kaso ng anak ni [Sec.] Boying Remulla? Na sandaling-sandali lang, wala man lang mugshots. News blackout pa sabay biglang napawalang-sala. Hindi ko nakikita ang fairness doon. That’s unfair to the Filipino people.”
Well, sabi nga ni Teves, itinuturing siyang guilty o nagkasala na dahil sa “trial by publicity.”
Ang masaklap at matindi pa, sinabi ng mambabatas na ayaw niyang umuwi dahil nakatanggap siya ng impormasyon na nais siyang ipapatay ng dalawang matataas na government officials.
Gayunman, ayaw niyang pangalanan ang mga ito.
Abangan na lang natin ang susunod na kabanata sa kasong ito.
155