TRAPIKO SA LAWTON, TAFT AVENUE SA MAYNILA, WALANG PAGBABAGO!

PRO HAC VICE

Totoo kaya na kunwari lang ang ginagawa ng Manila City Hall na aayusin lahat ng mga sagabal sa mga kalsada upang maayos na makadaloy ang mga sasakyan?

Mayroon akong nababalitaan na tatlong buwan lang ‘yang ginagawa ni Mayor Isko Moreno Do-magoso at pagkatapos nito’y “happy go lucky” na ulit ang mga pasaway sa mga kalsada at balik na ulit ang vendors! At balik-sikip na ulit ang daloy ng trapiko.

Gaya na lamang sa Lawton at Taft Avenue na walang araw na hindi mabigat ang daloy ng trap-iko roon.

Mayor Isko, baka naman niloloko ka lang ng mga inaasahan mo sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil araw-araw akong dumaraan sa kahabaan ng Taft Avenue at Lawton. Ni minsan ‘di pa ako nakadaan diyan na hindi mabigat ang daloy ng mga sasakyan!?

‘Di ko lang alam kung bulag ang hepe ng MTPB at mga tauhan niya para ‘di makita na mula Kalaw hanggang tapat ng City Hall ang trapik!

Na ang tunay na dahilan ng trapik sa mga lugar na iyan ay ang mga pampasaherong bus na naka-parada sa Taft Avenue sa mismong Luneta Park.

Kay DILG Sec. Eduardo Año. Sana totoong mayroong masuspindeng mga mayor ha? Hindi lang ‘yung mga maliliit na siyudad at municipality kundi kasama na rito sa National Capital Region.

WOW HILAW!!

Ano ba iyang ginagawa ng mga dilawan na nagpapakalat ng maling impormasyon sa kanilang mga tagasuporta na maglalabas daw ng desisyon ang Presidential Electoral Tribunal na pabor umano kay VP Leni Robredo. Ito ay dahilan umano kaya sila nagkaroon ng biglaang rally sa harap ng Supreme Court para i-pagdiwang ang umano’y desisyon ng Korte Suprema na pabor kay Robredo.

Saan kaya kumuha ng impormasyon ang mga dilawan sa SC sa ponente kaya ng election protest ni Bongbong Marcos?

‘Yon, walang nailabas na desisyon ang SC at nabasa pa ng ulan ang ilang mga raliyista!

Nang-abala pa sila ng mga motorista dahil isinara ng PNP ang kahabaan ng Padre Faura St. mula sa Taft Ave. hanggang Roces St.

Kaya ‘yung selebrasyon sana na gagawin nila sa pamamagitan ng rally sa harap ng Supreme Court ay nahilaw! (Pro Hac Vice / BERT MOZO)

305

Related posts

Leave a Comment