YENMARC FOOD CART BUSINESS

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO

BAGO ang lahat gusto muna natin bumati ng maligayang anibersaryo sa Saksi Ngayon Balitang Totoo.

Sa totoo lang, iba-iba ang naging hamon at laban ng ating mga negosyante sa buhay pero ‘di sila bumibitaw. Sabi nga nila, laban lang hanggang makuha mo at mapalago mo ang negosyo mo. Kagaya na lang ni Ms. Vivienne Nicdao na nagtayo ng food cart business.

Pero ang ginawa niya, siya muna ang sumubok. Noong 2014, naglagay muna siya ng Urbani Tea Cart malapit sa school ng anak niya at pumatok naman ‘yun dahil noong panahon na ‘yun ay wala pang masyadong milk tea store.

Kaya noong 2018 ay nag-decide na silang magpa-franchise ng Urbani Tea concept at doon na rin nag-start ang Yenmarc food cart business.

Hango ang Yenmarc sa pangalan ng dalawa niyang anak.

Kung dati Urbani Tea Cart lang, ngayon ay may pwesto na ito sa Scout Albano sa Quezon City.

Dito n’yo matitikman ang iba’t ibang flavor ng milk tea at meron ding coffee na ubod ng sarap.

Ang Yenmarc food cart business ay meron ding Chicky Wings Samgyup on the go, naka-package na ito at maganda ang presentation.

Ang maganda pa sa Yenmarc, one time ka lang magbabayad ng franchise fee, no royalty, no quota sa sales & no renewal fee. Life time, ika nga. At least 50 percent down payment required. Ang ROI o return of investment ay maaaring mabawi sa loob ng 6 na buwan hanggang isang taon. Basta nasa tamang location at alam mo ang target market mo, walang problema.

Ang Yenmarc ay meron ding marketing team na umiikot upang siguraduhing ang mga client nila ay nasa tamang direksyon ng negosyo. Ang Yenmarc ay may 250 branches nationwide.

283

Related posts

Leave a Comment