Marami ang nagsasabing kakaiba ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pa¬ngulong Rodrigo Duterte dahil bukod sa hindi mabulaklak ang kanyang mga salita ay pangmasa ang kanyang lengguwahe na madaling maintindihan ng ordinaryong mamamayan.
Inianunsyo ni Duterte sa kanyang SONA na mu¬ling itataas ang excise tax sa si¬garilyo at alkohol hindi lamang para makalikom ng dagdag na buwis ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kundi para mabawasan din ang konsumo ng yosi at alak.
Kasunod nito ay ang pagtatanong ng pangulo kung sino ang mga naninigarilyo sa mga nakikinig ng kanyang SONA. Sabay sabi na kailangang mawala na sa mukha ng daigdig ang mga nagyoyosi dahil ang kanilang mga ibinubugang usok ang sanhi ng mara¬ming sakit.
Ginawang patakaran sa Davao City ni Mayor Duterte ang smoking ban para maiwasan ang mga sakit na lung cancer at pati Buerger’s disease na naging karamdaman ng pangulo noong siya ay naninigarilyo pa.
Pati sa disco at nightclubs na pinupuntahan noon ni Mayor Duterte sa Davao City ay puno ng makapal na usok ng sigarilyo kaya hindi mo makita ang mga taong kanyang hinahanap. Ang ganitong sitwasyon at pati na ang kanyang dinanas na sakit ang nagtulak sa kanya na magkaroon ng smoking ban sa buong bansa matapos siyang maging pangulo noong 2016.
Plano rin ni Duterte na limitahan ang konsumo ng alak sa mga nightclub sa pamamagitan ng mas maagang pagsasara ng mga ito na kadalasan ay inaabot ng mula alas-tres hanggang alas-kuwatro ng madaling araw.
Sakop ng mga lokal na pamahalaan ang mga nightclub na kumukuha ng business permit sa mga city hall para makapag-operate at nakalagay doon pati oras ng kanilang operasyon. Ibig sabihin, kinakailangan ng panibagong ordinansa na maglilimita sa operasyon ng mga nightclub at videoke bar gaya ng ginawa sa Davao City.
Mas madaling limitahan ang mga videoke at inuman sa mga barangay kung saan naging kalakaran na partikular dito sa Metro Manila ang paglalagay ng mga tent sa mga kalsada kung saan may handaan at inuman sa mga birthday, binyagan o kasalan.
At dahil sa gabi ang inuman at kantahan sa videoke, nakabubulahaw ito sa kanilang mga kapitbahay na hindi makatulog dahil sa ingay ng mga nagkukuwentuhang lasing at nagkakantahan sa videoke.
Partikular sa Davao City, ginawang alas-otso ng gabi ang limitasyon sa mga inuman at videoke sa kalsada at pati sa mga nightclub at ginawang alas-dose ng gabi ang oras ng pagsasara kaya tahimik na ang lungsod ni Pangulong Duterte pagsapit ng hatinggabi.
Ito ang sinabi ng pangulo sa kanyang SONA: “We have to stop drinking. And jukebox, they’re only good up to eight, nine. Eight, maganda ‘yan. It’s… It’s there in every corner, store? Blares out noise and the children who will go to school and the working class, and you are there with your store. I have prohibited it in Davao. And at 12, as you see, Davao is quiet because everybody is resting already. Be it in the memorial parks, cemetery, or in the comfort of their homes.”
Siguradong?suportado ang panukalang ito ni Duterte ng mga ginang ng tahanan dahil bukod sa mas maagang makauuwi ang kanilang mga mister mula sa inuman ay mas makatitipid pa ito sa gastos hindi lang sa alak kundi maging sa mga gamot sakaling magkasakit sa atay o baga ang kanilang mga asawa dahil sa sobrang sigarilyo at inom ng alak. Sana nga. (Sidebar / RAYMOND BURGOS)
207